Chapter 15 Napangiti si Angela nang marinig ang mahinang paghihilik ni Kace. Mas lalo pa niyang isiniksik ang sarili rito. Alas sais pa lang ng umaga at gising na siya. Excited kasi siya sa kasal nila. Hinaplos niya ang matigas nitong dibdib at nang hindi pa makontento ay dumausdos ang kanyang kamay patungo sa walong pandesal nito. Lihim siyang napangiti pero agad din iyon nawala nang mapansin ang singsing na suot. Kumunot ang kanyang noo at itinaas ang kanyang kamay. Oh my God.. Her heart warmed. Isinuot ba 'to ni Kace sa kanya kagabi? Ito marahil ang engagement ring niya! A-Ang ganda at ang laki naman ng diamante.. Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Bumangon siya at maingat na hinalikan ito sa mga labi. "I love you.." Pabulong niyang sambit. Umungol ito. "Hmm.." Bumaba ang kanya

