Vanadey pov
" ahhhhh..!" sigaw namin ni Xuen.
Paano ba naman si Casper may dala dala sa bunganga niyang white na roses.3 pieces pa.
Kinuha ni Xuen ang flowers
" saan naman nanggaling mga ito?" sabay tingin sa akin.
" I don't know..," pagdedepensa ko
" may admirer ka ba ha Vana? "
" dagchyeo"
-shut up
" sus magdedeny ka pa ha.. teka baka naman si Doc Lucifer mo?"
" he hate me, he doesn't like me so why he will gave me a flower.and beside malayo ang Pinas dito sa South Korea "
" Maybe he realized that he loves you.. Don't lose hope Vana. He save you remember!?"
" Of course he is, that's his job to save lives." pagtataray ko.
1 year is enough, I already moved on. He's my past now.
" whatever girl... jal ja"
- goodnight
Nagpahinga na ako pagkaalis niya. Kinuha ko ang roses
Humiwalay ako ng bahay after akong natutong mag arak ng English. Naging independent na ako. Naiwan si Manang sa bahay, siya lang gumagawa ng laundry ko kasi hindi ko na talaga maasikaso every other day ito naglilinis at naglalaba.
Nagsusuklay ako ng buhok ko ng biglang lumakas ang hangin galing sa bintana ko.
Nagulat ako dahil sarado yun kanina. Tumayo ako at sinara ito pero paglingon ko.
" ahh-phmmm....!"
Tinakpan niya ang bunganga ko gamit ang labi nya.
O_O what the f**k!
Tinulak ko siya.
" what are you doing here?"
" how did you get in here?
" how did you do that? " tinuro ko ang mga white roses na nakapatong sa higaan ko na kanina ay wala naman.
" and why did you kiss me? "
Derederetso kong tanong.
" Vanadey... My Vanadey.. "halos mahilo ako sa pagbigkas niya sa pangalan ko.
And everything went black.
Pagkamulat ko ng aking mga mata..
Mukha ni Xuen ang nakita ko kaya mapabangon ako bigla.
" Asan siya? "
" who? "
" si Lucifer... " nagpunta ako sa banyo para tignan siya ngunit wala ito.
" girl you're just dreaming..... Kagabe pinag usapan lang natin siya ngayon hinahanap mo na?" tinignan niya ako ng nakakaloko.
" Xuen I swear, andito siya kagabe meron pa nga mga white roses sa kama ko, and he ki--" natigilan ako ng maalala ko nangyari kagabe.
He kiss me... And I know it's not a dream. It was real.
" halika na sa baba, andyan na si Manang Tiffany may dalang breakfast. " yaya niya saakin.
Wala na akong magagawa dahil hinatak na niya ako bigla.
" joh-eun achim" bati namin kay Manang.
-good morning
" goodmorning din mga beautiful ladies... Hala umupo na kayo at kumain, magsisimula na akong maglaba."
" ah Manang pa kuha ako ng mga white roses sa kwarto ko... at ilagay sa vase."
Tumungo naman ito at umakyat para kunin.
Pagbaba niya ay may mga roses nga ito.
" ang bango bango naman mga ito Vana. Saan galing mga ito?" Manang
Hindi ko sinagot tanong ni Manang.
" see I told you... He was here!" ani ko kay Xuen na kumakain.
" ajigdo naneun geugeos-eul midji anhneunda"
- still I dont believe it
" pansin ko suot mo parin ang singsing na yan" turo sa daliri ko ni Xuen.
Tinignan ko ito.
" ayaw maalis., kahit ata putulin ko daliri ko ayaw maalis."
" OMG so talagang kayo ni Doctor Lucifer mo."
". Shhhh ano ka ba Xuen ang ingay mo"
" ikaw din baka ka aarte mo dyan mamaya andyan na pala siya sa paligid mo"
Natahimik ako sabay hawak sa labi ko. Alam ko kasi na totoo ang kiss kagabe.
" hoy Vana... Yare sayo?"
" kung meron man siya hindi na ako si Vanadey na mahina."
" arte mo!"
" eh ikaw ano balak mo sa sarili mo? Nagtatago habang hinahanap ka ng lalaking niloko mo. Kwento mo nga anong nangyari sainyo sa Australia"
Pag iiba ko ng usapan.
Naglalaba na si Manang sa likod. Kaya pwede naming pag usapan.
" hmmp kasi ganito yun, It was one night stand, and i don't even know his name."
"really? Nag dot dot dot lang kayo?"
" anong dot dot dot?" Xuen
" yung touching going to you know na"
" yes!,nameet ko siya noong hinahabol ako ng mga alagad ni Daddy. Nabunggo ko siya at hinatak siya para magtago. Hinila ko siya papasok ng bar. And I found out na sakanya pala ang bar na yun."
" eh anong kasalanan ang ginawa mo doon?"
" after naming that thing.. may tumawag sa kanya na babae, ako ang sumagot tapos sabi ko doon sa babae ako asawa niya ako at buntis ako,narinig niya kaya tumakaa na ako. "
" mapapahamak ka talaga sa ginagawa mo "
" malay ko ba na may asawa yun o ano"
" pero gwapo?"
" aha.. Sobra!" kinikilig pa niyang sabi.
" eh bakit mo tinakbuhan?"
" girl.. may asawa na ata yun."
" paano kaya no yung nakilala natin na saglitan eh, sila pala yung para saatin. Tapos sila pala yung naghahabol at hinahanap saatin"
" uy! Umaasa na pupuntahan siya ng doctor niya hahaha"
" shut up nga"
Biglang sumingit si Manang. Kaya nagulat ako.
" Vana!"
" ano ka ba Manang nakakagulat ka naman"
" ipapakita ko lang sana ito..."
lumingon ako para tignan ang sinasabi niya.
"MANANG! SAAN GALING YAN? "
Paano naroon yan? Naitago ko yan ah..
Lucifer pov
Hinihintay ko ito para sabay kaming pumunta sa hotel
" dude ang tagal mo!?" ako
" Relax Lucas... Masyado kang excited makita ang pasyente mo hahaha"
Lucas tawag niya saakin.
Lu-for Lucifer
Cas- for Casfear
" sapak gusto mo ARISTOTLE IMRE?"
" eto naman highblood agad tara na..."
Siya nag pinsan kong si Aristotle Imre Grazeter a.ka. AIM ang anak ni tito Kiel at tita Sunshine.
Papunta kami sa Hotel kung saan kami nagpareserve ng room. Meron lang kaming 2 weeks para hanapin daw namin ang mga babae namin. See how they can say it.
Ako kay Vanadey.
Si Aim ay ang babae daw na sinasabi na asawa at nabuntis daw niya. According to tita Sunshine.
Hotel
" dude sure ka na ba na andito din yung babaeng hinahanap mo!?"
"dude mismong si Papa ang nagpa trace sa babaeng yun."
" eh bakit hindi mo alam name niya?"
" na attract agad ako sa ganda niya eh"
" yan tayo eh,"
" nagsalita naman yung Isang linggong pag ibig."
" unang kita ko palang sa kanya natamaan na ako. Hindi ko lang pinakita dahil kilala mo angkan natin, susugod agad agad ang mga yun."
" ako pinabisita lang saakin ni Papa ang branch, bigla nalang may bumunggo, hinatak at niyayang mag bar sa mismong extension natin not knowing na hindi siya dapat makapasok dahil may requirements tayo bago makapasok but demn dude pumasok nalang siya hatak hatak ako at nilibre hahaha "
" buti hindi siya kinuyog ng mga waiter natin?"
" sumenyas ako na saakin siya... Dude grabe siyang sumayaw, grabe kung lumaklak ng alak. "
" at ngayon meron tayong 12 days to go para hanapin sila, dahil kung hindi, sila ang susugod para saatin. "
" ako nahanap ko na.. "
" what? "
" may contact ako, kaya alam ko kung asan siya. "
" hindi ka ba natatakot sa tatay niya? "
" takot, dahil noon pa man ay ayaw na niya saakin."
" buti sayo, ako maghahanap pa. Tsk bakit naman kasi tumakbo noon yun. Hindi naman ako magagalit. Kinikilig pa nga ako dahil sinabi niyang asawa ko daw ito at buntis hahaha"
" iba ang isip ng babae saatin. And to think of it. Matatawag tayong halimaw kapag nalaman ba nila, tatanggapin tayo?"
" ewan ko. Hindi ko pa iniisip yan, dahil pagbabarilin ako ni Mama kapag hindi ko nakita ang babaeng yun"
" ni pangalan kasi hindi mo naitanong nag ano kayo tapos ganun nalang"
" nabigla ako eh..."
" pumunta ka na sa kwarto mo at magpapahinga pa ako."
" Ok saan tayo bukas?"
" ako alam ko pupuntahan ko, ikaw bahala ka sa sarili mo."
" Tsk..."
After niyang pumasok sa room niya agad akong nagbihis at kunuha ang mga flowers na pasalubong ni Mama sakanya.
Nagtaxi ako at pinakita sa driver ang address.
Nakita ko na kapapasok lang niya sa kwarto niya sa taas. May kakayahan akong tumakbo ng mabilis.
Nakita ko si Casper na nasa kusina. Kaya doon ako pumasok.
" hello baby boy... How are you?"
" padala naman ako nito sa mommy mo..."
Nilagay ko sa bunganga nito. Nakarinig ako ng footstep kaya nagtago ako. Nakita ko kung paano magtago si Vanadey sa likod ng kaibigan niya.
Agad aking umakyat sa kwarto niya. Nagtago ulit ako sa likod ng kurtina.
Nagsusuklay siya ng buhok ng buksan ko ang bintana niya para maramdaman niya na may tao.
Alam ko na nagulat siya.
Palapit na ito ng...
Tinakpan ko agad ang bibig nito gamit ang mga labi ko.
Ngumiti ako dahil nakita ko kung paano siya nag bloom na parang cheery blossom.
" what are you doing here?"
" how did you get in here?
" how did you do that? "
itinuro niya ang mga rosas na nilagay ko sa higaan niya.
" and why did you kiss me? "
Sunod sunod niyang tanong.
" Vanadey... My Vanadey.. " hinaplos ko ang pisngi niya.
Pero nahimatay ito. Mabuti nalang nasalo ko.
Binuhat ko pahiga sa kanyang kama.
" I just miss you my Vandey. Sorry kung nagulat kita. Hindi na talaga ako makapaghintay na makita ka."
Hinalikan ko ito at kinumutan.
" I'll be back my Vanadey... I brought you some flowers. Pasalubong ni Mama para sayo. Hope you like it."
Naggoodnight kiss ako tsaka ako umalis.
" Good job Casper sa pagbantay sa Mommy mo."
Pinakain ko muna si Casper. Tsaka ako nilock ang mga pintuan bago lumabas ng bahay niya.