36

1387 Words
Someone's. Pov F*ckng s**t natalo kami ng ganun ganun nalang dahil sa lintik na babaeng yun. Hindi ko mapapalampas ang nangyari ngayong araw na ito. Pagkahulog ko sa bangin agad naman akong tinulungan ng mga tauhan ko bago pa dumating ang mga tauhan nila. Tumakas kami gamit ang isang Van na nakaparada na ito sa di kalayuan sa bundok. " Boss nakuha si Mam Khloe ng mga halimaw." saad ni Hildo. Siya ang kanang kamay ko. " Hayaan muna natin siya, hindi nila papatayin si Khloe dahil may pagkapusong mamon ang mga halimaw." napuruhan ako sa tiyan halos nanghihina na ako sa dami ng dugong nawala saakin. " boss kaya mo pa ba? Tiis muna, mahirap ang daan dito.." " dalian mo lang baka maubusan na ako ng dugo! " Babalikan ko sila. Kung sa tingin nila ay panalo sila sa labang ito nagkakamali sila. Simula palang ang laban hintayin niyo ang pagbabalik ko siguradong magugulat kayo. Ginamot ako ng private Doc namin, ang sabi nito matatagalan daw pag hilom ng sugat ko dahil sa kakaibang punyal ang sumaksak saakin. " kailangan munang mag lay low ka muna, mahabang pahinga ang kailangan mo. Baka mas lalong lalala ang sugat mo." " Salamat Doc, alam na ba ni daddy ito.?" "ani... Hindi ko muna ipinaalam tungkol sa kalagayan mo. Pero alam na niya ang pagkakatalo niyo.." Nagngitngit ako sa inis dahil sinabi pa niya ito. " aalis na ako, Hindi pwedeng magtagal ako dito. Kailangan ako sa Hospital hindi nila alam na lumabas ako. Alam mo naman ng security ng hospital na yun. " Siya ang Mata ko sa Hospital nila Lucifer kaya noong nagtanim kami ng mga bomba ay alam namin ang pasikot sikot sa loob. " annyeong" tsaka ito lumabas. Tinawag ko si Hildo " Ihanda mo ang passport namin dahil babalik tayo sa korea nextweek. Magpapalamig muna tayo." " iiwan natin si Mam Khloe boss?" " Susunod siya sa atin sa Airport kaya iayos mo ang gamit niya, dahil may magpapatakas sa kanya." Hindi ako ganun ka stupido para iwan ang kapatid ko, Siguradong gagawin niya yun dahil meron pa siyang kailangan saamin... Sabihin nalang natin na meron siyang gustong malaman. AIM Pov Mga katok ang gumising sa akin, bumangon ako at pagbuksan ang pinto dahil sa masakit ang ulo ko, nahihilo pa din ako pag sigaw kong binuksan ag pinto. " sorry boss pero sina Big boss kasi nasa baba...hinahanap ka po" Liam " sabihin mong bababa na ako." Sesermonan kaya nila ako nila Lolo? Nagtoothbrush at naligo agad ako. Hindi susugod ang mga yun kung hindi importante. Pagbaba ko nakita ko sila Lolo King at LOlo Bullet na tsinetsek ang mga wine sa kabinet nito. " eto na pala. Si Mr lonely Boy..." lolo Bullet ? tsk " bakit po Lolo?" " Ah sasabihin lang kasi namin kung pwede ay ikaw muna mag bantay sa Extension hawak ni Aira dahil ihahatid nila si Xuen sa korea., kahit 5 days lang." Babalik na siya? So tinotoo ni Jullian na pabalikin ang kapatid niya? " Yes sabi kasi ng Tatay niya kailangan niyang bumalik para siya ang pangbayad sa damos na nangyari sa kanila. Siya pala ang kapalit kapag tumalikod sila sa grupo. " lolo King " teka lolo, masyadong magulo hindi ko maintindihan..." Nagsalin ng wine si Lolo Bullet sa dalawang baso tsaka niya inabot kay Lolo King " sa madaling salita... Si Xuen ang pinagbayad, siya ang kapalit ng Papa nito sa Grupo para maging asawa ng isa sa mga anak ng Presidente nila" lolo Bullet " paanong nangyari yun lolo kagabi lang naglaban ah..." " ah apo... Mukhang wala ka sa sarili... Noong isang gabi pa yun, meaning 24 mahigit ka lasing at tulog.." lolo King Ano!? ? Magdamag... Maghapon.. Magdamag ulit ako naglasing?? Weh!? " kasabay lang kaming nagbiyahe,... deretso sila sa Airport.. "Lolo Bullet " Lolo hindi pwede... " " bakit hindi pwede? " lolo King Bakit nga ba? " Lolo naman eh alam niyo na ang sagot...! " " hindi namin. Alam!! "duet pa nila " tsk Lolo palit tayo ng sasakyan coding ako eh susundan ko siya, hindi pwedeng aalis nalang siya ng ganun.. " Pero pinigilan ako ni Lolo King " wag na apo... Hindi mo siya mapipigilan dahil tinanggap niya ang kasunduan. Kaya sinamahan nila Jullian at Lucifer para makasiguro na Ok siya. " " pero Lolo.. Mahal ko siya eh" doon na ako napaupo sa sofa. " mahal mo pala siya eh, bakt ganun ang trato mo sa kanya noong isang gabi?" Lolo King Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Si Lolo King ang nagcomfort sa akin. Si Lolo Bullet ng iinventory ng wine? hindi ko naman inubos ah.. Iyak lang ako ng iyak.. Sila na mismo ang nang uwi saakin sa bahay. Sa bahay: " Hon what happen? Bakit mukha kang frog sa itsura mo?" naalala ko na naman twag niya saaking froglots? " Pa How is he?" tanong ni papa kay lolo King. " messy... kayo ng bahala diyan magpapagwapo na kami.." Buti pa sila may time para magpagwapo samantalang ako... Umiiyak pero gwapo pa din. " Hon nagugutom ka na ba?" Mama " Sandali at kukuha lang ako ng tubig niya." sabay alis ni Papa para kumuha ng tubig. " Ma.., ganun ba ako kadaling iwan? Bakit sila Lolo at lola? .. Kahit magkalayo noon ay mahal nila ang isa't isa? Ako hinabol ko na, hinanap ko na siya...itinaya ko na buhay ko para sa kanya.. Bakit iniwan pa din niya ako?" " Hon my baby... hindi naman lahat ay kapareho ng tadhana kina Lolo Kean at Lola Maliyah mo,.. " " Pero bakit sina Lola Maleficent at Lolo Marcus.. Magkaiba ang level ng buhay nila pero nagkasama padin kahit ang isa ay nasa batas... Bakit ako hindi ganun? "iyak ko pa din.. Tagal ni papa kumuha ng tubig. " hon my son.. My baby " ? paiba iba na ang tawag saakin ni Mama... Pero tuloy ang iyak ko. " wag mong ibase sa mga kwentong pag iibigan ng naunang henerasyon ng angkan. Tandaan mo, nasa sayo ang disisyon.. Nasasayo ang puso mo. Kung talagang kayo ang para sa isa't isa magkakasama kayo." " Parang kay Lolo Bullet at Lola Aerea?" " anak matigas talaga ang ulo mo...sabing wag mong ikumpera ang kwento mo sa iba. Ikaw yan.. Pero hindi ikaw ang bida dito... Pero anak ----lintik na.. KIEL ASAN NA YUNG TUBIG! " Biglang sigaw ni mama kay Papa. Syook! Nabingi ata ako. " oh heto na... Hirap magtimpla... "Papa Magtimpla? Tinitimpla na ba ang tubig? " Akina na nga yan! " " my son...uminom ka nga muna ng mahimasmasan ka diyan! " At uminom naman ako., nagiging tigre na kasi Mama ko eh. " Kung kayo talaga ni Xuen... kayo talaga.. Kapag hindi.. Eh tanggapin na may iba na siyang mahal" " Gaya noon kina Lolo King at Lola Reishel... dahil sumingit ang isang baliw na Grey?" " Hindi ko talaga alam kung anak ba kita o ano... mukha atang naipagpalit ka noon sa hospital... Masyadong matigas ang ulo eh.." " tsk... Sa kwarto nalang ako. MA.. PA.. mukhang hindi niya ako naiintindihan.! " Nag walkout na ako at umakyat sa kwarto. Hindi ko alam pero kakaiba ang mga tao ngayon sa paligid ko.. Well alam kong weirdo nan sila.. Pero nasobrahan naman ata.. Naghubad ako ng Tshirt at pantalon. Humiga ako na naka boxer short lang. " tsk lakas pa din ang hilo ko sa pag inum... Grabe namang alak binigay saakin.." wala pa atang 2 minuto ay nakatulog na ako. Sa pagtulog ko nahihilo pa din ako, na parang tumatayo ako, dumadapa... hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Aalamin ko nga kung ang alak ang binigay saakin. Pati pagtulog ko lasing ako. Parang may bumuhat saakin...? Lumulutang ba ako!? Ang alam ko nakahubad ako bakit pakiramdam ko naladamit na ako? Sa wakas umaga na... Pagmulat ng aking mata.. ? Asan ako? Altar? Panaginip ba ito? Tinignan ko ang sarili ko.. Naka americana ako? Ano ito. Kasal? Sinong ikakasal? Tinignan ko ang loob ng simbahan May mga tao... Sina Lucifer, Jullian? Ang mga grupo? Mga pinsan ko? Mga tito at tita? nakaupo Mga Lolo?at mga Lola? Teka... Sandali ... Anong kaguluhan ito? Biglang may bride na bumungad sa puntuan.. Nakabelo ito kaya hindi ko maaninag ang mukha.. " Iho..." nagulat ako ng tawagin ako ng Pari. Nasa harapan ko pala siya. Anong klaseng panaginip ito?? Isang tugtog ang nagpatigil sa pag iisip ko.. Ang kantang ito... Pero imposible na siya ito? Malapit na ito saakin... " s**t! BANGUNGOT BA ITO?!?" napahawak ako sa sintido ko sa pagsisigaw... Nag biglang "Aray!" May isang tsinelas na lumipad sa mukha ko.. ***next chapter ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD