43

1873 Words
Mara pov Pagkapasok ko sa bahay ay agad na tumawag si Zy. " I'm ok Hon, bakit ba ayaw na ayaw mo akong nandito? Then bakit saakin niyo binigay ang mission na ito?.. Look kung sa tingin mo ay mahuhuli nila ako na ganun ganun na lang nagkakamali ka hon. I know how to pretend like an innocent... Yah I know.. Ok.. Sige na magpapahinga na ako. " Ayokong makipagdiskusyon sa kanya. Mula noong nakarecover ako sa disgracia ay lalo namang lumayo ang loob ko sa asawa ko. Nagising nalang ako na hindi ko kilala ang sarili ko. Nagshower ako para mawala ang inis sa isip ko. Naalala ko ang naganap kanina. Hindi mawala ang ngiti ko sa kanya. Napakaganda ni Vana Pearl, kahit may pagkasuplada siya ay nagustuhan ko parin siya. Pero bakit parang hindi ko nakilala ang nanay niya? Bakit ganun nalang ang tuwa ng puso ko makita ang batang yun mula noong nakita ko siya sa Mall. Kinabukasan maaga akong namili ng regalo para kay Vana Pearl, nakakahiya naman kasi kung dadalo ako ng walang regalo. Sa isang store ng mga manika ako unang pumasok. Pero wala akong nagustuhan.,mga damit naman ang sinunod ko pero wala pa din... Ang huli ay jewelry shop. HAPPY JEWELRY SHOP ang pangalan ng pwesto. " Good morning... ano po kailangan natin?" bati ng isang babae na nakangiti. " OmG diba ikaw yung bisita ni little Vana kahapon?" " Ahh yes ako nga.. Kilala mo ako?" " Ay ano ka ba isa ako sa mga nag entertain sayo.. Ako si Ayvah." " Ah sorry.. Sa dami niyo kasi kahapon hindi ko memorize mga names niyo." " ikaw talaga... Soooo bibili ka ng gift para kay little Vana? " " Oo sana... Kaso kanina pa ako naghahanap wala akong nagustuhan. " ". Ay perfect ang bago naming gawa na kwintas. Halika ipapakita ko sayo. " Niyaya niya ako sa may office nito. " Hindi ka ba aattend? "Tanong ko sa kanya. " Aattend syempre... Baka hambalusin kami nila Lolo kapag hindi lahat umattend sa mga little monster celebration nila. Nag open lang ako kasi mamayang hapon pa naman yung birthday " Nilapag niya ang isang Square box. " Ito nalang iregalo mo sa kanya. Tamang tama sa kanya. Mahilig si little Vana sa kwintas " Binuksan ko ito at napa wow nalang ako. Ang ganda ng pagkakagawa ng kwintas. " See speechless ka diba hahaha" " ok kukunin ko ito," " really? Bibigyan nalang kita ng discount sa kwintas" Pero nalula ako sa price ng kwintas. Oo maganda ito at kakaiba ang desenyo pero nakakagulat lang talaga ang presyo niya. Akalain mo 50k ang kwintas. Hindi naman ako nagreklamo, nagtataka lang ako bakit ganun ang halaga ng kwintas ng bata. Nagkwentuhan pa kami ni Ayvah at nagyaya siyang mag lunch sa labas. " Napapansin ko Little Vana ang tawag mo kay Vana.. Bakit?" " Vana din kasi ang tawag namin noon sa mommy niya. Actually Vanadey ang name ng mommy niya." Vanadey?? Bakit pamilyar saakin yung name na yun? " Asan na siya?" Napatigil naman ito sa pag nguya. " Wala na siya... Patay na. Nakakaawa nga si Little Vana kasi hindi man lang niya nakilala ang mommy nito. " " Sorry for that... " " ano ka ba ok lang.. Tsaka matagal naman na yun. Pero alam mo si Little Vana jusme binuhay niya ang social account ng nanay niya. Para makita niya araw araw ang mukha nito" Madaldal ang isan ito kaya pwede akong makakuha ng information tungkol kay Lucifer. " Eh ang daddy niya?" " Si Kuya Lucifer?... Well siya ang dahilan kung bakit namatay si ate Vanadey... Kinakailangan kasi noon ang dugo nito pero tinanggihan niya." " Naguguluhan ako bakit niya tatanggihan kung kailangan siya ng asawa niya." " hindi mag asawa sina Ate Vanadey at kuya Lucifer... nabuntis noon si ate ng magkahiwalay sila..dinukot siya ng baliw na si Tae-" biglang nag ring ang phone nito. " naku ito na namang istorbo sa buhay." " Asawa mo?" " naku hindi ah... Tsaka nangliligaw lang yan si Clark hahaha" " Mukha namang mahal mo siya eh" " halata ba? Hahaha pinapahirapan ko kasi siya para magtino.. Ikaw Mara may asawa ka na?" " Yes meron na.. kaso naiwan siya sa Australia para sa negosyo namin. Ako naman dito para sa isang project." " aww may asawa ka na pala. Irereto pa naman kita kay kuya Lucifer. " " Bakit wala pa ba siyang girlfriend? " " sus.. Alam mo bang angkan kami ng mga torpeng lalaki... Halos hindi marunong manligaw ang mga yun. " " hindi naman halata kasi halos lahat ata ng angkan niyo ay may kasama na " " kung alam mo lang Mara.. mga lolos pa namin ang nag uudyok para magbabae ang mga yun. " " Alam mo Mara., ang gaan agad ng pakiramdam namin sayo. " " Salamat... Kahit naman ako ay ganun din. Lalo na kay Vana Pearl. " " Especial siya sa Lolo at Lola niya... never pa yun pinalo. Hindi naman ganun ka spoiled si Little Vana. Masyado lang kasing curious ang batang yon. Halos lahat dapat ng tanong ay dapat may explanation. " " Napakatalino nga niya, Kasi alam niya na hindi basta basta makikipagkilala sa strangers. Kahit saakin ay hindi niya sinabi ang pangalan niya. " " Yun ang bilin ng Daddy at Papayowh niya... Kaso si Tita Aeal lang talaga ang madaldal kaya halos binabanggit niya name ni Little Vana sa mga tao" " ang sabi niya ay ang Mamita niya ang nag sabi na wag makipag usap sa strangers." " yun ang bilin ng Daddy niya... Kinakatakutan dito si Tita eh." " Ha?" " Wala... ay Oo nga pala baka makalimutan mo na Forest theme ang birthday party." " Buti nasabi mo.,, hindi kasi nila sinabi saakin. " " natuwa kasi sila sayo... Tsaka don't worry makikilala mo ang mga lolos at lolas namin..lalo silang matutuwa pag nakita ka. " " kakaiba talaga kayo.. Napakamasiyahin niyong pamilya. Kahit hindi niyo pa kilala ay iniimbitahan niyo na" " Little Vana has a perfect eyes to see the real person" Hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Nagkahiwalay na kami at bumalik na ito sa shop niya. Umuwi muna ako para makapagpahinga bago dumalo. Hindi ko namalayan na nakatulog agad ako sa Sofa. " come here baby... Mommy is here!" " Mommy I miss you so much!" Niyakap niya ako na para bang gigil na gigil ito saakin. " Mommy halika na hinihintay ka na ni daddy... Kanina ka pa niya gustong mayakap!" Hinila niya ako sa gawi ng Garden. Isang lalaking nakaupo na may hawak na bulaklak. " Mahal ko.... finally you came back." Niyakap din niya ako.. Ako naman ay nakatayo lang. " Mahal ko.... " tawag niya saakin " Who are you? " Hinawakan niya ang kamay ko.. " Mahal ko.. Ako ito si Lucifer... At siya ang anak natin si Vana Pearl... " " Mommy ikaw si Vanadey.... ikaw ang mommy ko." sabi ng bata Tinignan ko ang sarili ko. Nakaputi ako at... Kinapa ko ang mukha ko.. Bakit ganito? Nagsalamin ako sa tubig sa may pond. Sino ito? Bakit nasaakin ang mukha niya? Hindi ako yan... Sino ka? Bakit nasaakin ang mukha niya? "Hindi!" sigaw ko.. agad kong bumangon. Basang basa ako ng pawis. Shit! Panaginip lang pala.. Akala ko ay totoo na.. Bakit napanaginipan ko sina Lucifer at si Vana... Pati ang asawa niya? Weird! 4pm na kaya naligo na ako. Isang oras ata ako naghanap ng damit para bumagay sa theme ng party niya. Eto nalang siguro.... 5:30 na ako nakarating sa kanila. Hindi ko kasi kabisado ang pagpunta sa kanila kaya medyo naligaw ako. Sumalubong saakin si Vana Pearl... ". Yes! You came Mara... Come kanina pa kita hinihintay." Ang cute naman niya.. Halos magkapareha pa kami ng ayos.   " Oh my... para kayong mag ina.." bungad saamin ni Xuen. " see... Pareho kasi tayong maganda." hindi na ata nawawalan ng attitude ang batang ito hahaha " Wait... ibibigay ko muna ang gift ko sayo bago tayo magpakita sa daddy mo." Nilabas ko ang kwintas na regalo ko sa kanya. " Wow... Thank you Mara. I love it " niyakap niya ako at kiniss sa cheeks. May kung anong haplos sa puso ko ng ginawa niya yun sa akin. " you're welcome Vana Pearl... " At pumasok na kami sa loob para makapunta sa likod ng bahay nila. Sinalubong agad nila kami ng tingin. " Hi Mara.." Bati ni Jullian " Hello... si Tita Aeal?" Biglang sumulpot si Tita. " OMG... Ang ganda ganda mo naman Mara... same pa kayo ni Pearl ng looks." " Thank you po tita..." " Lucifer!" tawag niya sa anak. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko ng marinig ang pangalan niya. Isang napaka gwapong Lucifer naman ang palapit sa amin. " Andito na si Mara.. Sabi ko sayo darating siya eh" -_- " Anak asikasuhin mo si Mara at kami na sa mga bata. Ipakilala mo sa lolos mo... Kanina pa sila atat makilala siya" sabi ni tita sabay alis at lumapit sa mga batang nagkakasiyahan. " Kumain ka muna... Ano gusto mo?" " Kahit ano basta bawal ako ng seafoods." Nagulat ata siya. " Ok... Halika muna doon para makilala mo mga lolo ko." Pumunta kami sa table ng mga matatanda. " Lolo Lola... eto po si Mara. Yung sinasabi ni Mama na gusto niyang ipakilala. " "Good evening po...I'm Mara Lavigne po.." " hello iha... ako ang Lolo Bullet ni Lucifer. Eto naman ang aking asawa na si Lola Aerea mo, anak namin ang tita Aeal mo." " Hello po sainyo..." nakipagshakehands naman ako kay Lolo Bullet but kay Lola Aerea ay niyakap niya ako. " Ako naman ang Lolo King mo..siya ang aking asawa na si Lola Reishel mo... Apo namin si Aim... " Ganun din ang nangyari, shake hands kay Lolo King at yakap kay Lola Reishel. At sa iba pa nilang lolo at lola.. Sa dami nila ay iilan lang ang namemorya ko na pangalan. " sorry ha.. Napadami ata ang imemorize mong pangalan " Lucifer " Ok lang... well mahina talaga ang memorya ko dahil sa naaksidente ako." Natahimik naman ito. " Halika na... kukuhanan kita ng pagkain mo. Doon ka muna sa table nila Aira at Xuen." Hinatid niya ako sa table nila Aira. Nakita ko kung paano asikasuhin ni Aira ang anak niyang babae. " Nakakainggit naman kayo may mga babies na." bigla kong sabi. " Wala ka pa bang anak? " Aira " Wala pa eh.. " " Gumawa na kayo ng asawa mo. " Xuen Tawa lang ang sagot ko. Nilapag ni Lucifer ang pagkain ko na sobrang dami naman. Iniwan niya kami para asikasuhin ang mga bata. " Lokong Lucifer... Pinapataba ka ata niya Mara. " Fairy " Ang dami nga eh" " Bagay talaga kayo ni Kuya Lucifer." Laikyn " May asawa na siya Lai... Wag kang ano diyan" suway ni Aira. Hindi ko nagsalita at pinagpatuloy ko ang kinakain ko. " sayang hindi ko nakita magblow ng candle si Vana Pearl" out of the blue kong sabi. Napatigil naman sila at sabay tingin saakin. Bakit? Anong nasabi ko? Bakit ganun nalang tingin nila saakin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD