23

1865 Words
Vanadey pov " Omma , ok lang po ba na pupunta kami sa quaters niyo? Kasi bilin saamin wag kaming lalabas " on the way na kami sa HQ na sinasabi nila Omma Aeal at tita Sunshine. " Oo naman, doon muna kayo kasi may pupuntahan kami ni Tita niyo Sunshine mas safe kasi kayo doon." " Tsaka Xuen anak,tawagin mo din akong Omma .naiinggit tuloy ako kina Vanadey." tita Sunshine Nagkatinginan kami ni Xuen. " Hintayin niyo nalang sila doon,ok!?" Omma Aeal HQ: hindi na bumaba sina Omma ng sasakyan ang sabi ay deretso nalang daw kami sa loob. " Vanadey anong ginagawa niyo dito?" Lolo King at Lolo Bullet. " Hinatid po kami nila Omma Aeal dito,may pupuntahan daw po sila." Nakita ko si Lolo Lupin at si Rain nakatutok sa mga computers. "Vana anong ginagawa niyo dito?" tanong niya samin. Kumaway lang ako sa kanya. " Lucifer sina Vana andito sa HQ," rinig kong sabi nito. " Xuen Vana dito muna kayo.. "Lolo Bullet. " Lo sina Lucifer po kamusta sila?" tanong ko sa kanya. " wag kayong mag alala, kaya nila yun. " " dito muna kayo at sasamahan ko lang lolo King niyo sa kabilang kwarto. " Tsaka niya kami iniwan. " naguguluhan ako sa nalalaman ko tungkol sa kanila girl"Xuen. Ginagala niya ang paningin a kabuuan ng kwarto. " kahit naman ako eh , lalo na yung sinasabi nilang Anchor" Tumayo ito at lumapit sa isang malaking frame sa kaliwa. " wow... I can't believe this!? " Tumayo ako at tinignan ang tinitignan niyang frame. " Wow ang dami nila, . Kakaiba ang dalawang ito. Mukha silang mag ina." " poker face, lahat sila nakangiti maliban sa dalawang yan. Siguro nga mag ina sila" " magkamukha nga sila ni tito Kiel at si Froglots dito, parehong gwapo." " Si Lucifer lang ang naka all white dito hahaha " " Girl ang saya nilang tignan ano?" " yeah! sobra silang masaya,masarap kasama. Alam mo ba na kada linggo daw ay may family day. Salitan ng venue. Naabutan ko noon ,sa mismong bahay nila Lucifer ang venue, nakakatuwa sila Xuen. Doon ko unang naranasan ang tumawa ng sobrang tagal. Nakapaglaro ng larong Pinoy. " Hinirap ako ni Xuen. " Buti ka pa nakasama mo na sila. Samantalang ako ay hindi pa. Ganito pa ang maaabutan ko pag punta natin dito." Nalungkot naman ito. " Ipaparamdam din ni Aim sayo ang salitang pamilya... Ang masayang pamilya." Nagulat kami ng magsalita si Rain sa likod namin. " Malapit na Xuen..pauwi na sila Aim. Happy happy na tayo after this. ..ay teka iihi lang ako saglit." Nagtawanan naman kamo ni Xuen. " Lolo Lupin asan na sila Aim?" " on the way na daw sila.....pero sa hospital!" Nagulat naman kami sa sinabi ni Lolo Lupin. " Lo si Aim po kamusta?" " Ok naman siya Xuen,pero si Jullian ang napuruhan. Naging superman siya at sinalo ang dalawang bala." " pupuntahan po namin sila." Ako " hintayin niyo nalang sila, baka pagalitan pa nila ako na pumayag na lumabas kayo. Relax girls. Aim is one of a Monster..they can't kill him." " Lo ? What do you mean?" tanong ni Xuen. Hindi pa niya alam ang buo kaya nagulat ito. " sooner or later...masasabi na nila. Kaya maghintay kayo dito. Vana... Do you feel any different feelings to your body?" " ani lolo Lupin. Why?" " Magpahinga muna kayo diyan , may kailangan kaming gawin sa underground. May pagkain sa fridge kung nagugutom kayo si Rain ang makakasama niyo dito" Duamting si Rain at bumalik sa pwesto nito. " lintik na...Umihi lang ako Lucifer natapos mo na? Teka asan ng bangkay ng karibal mo?" Rinig kong sabi niya. Karibal? Anong ibig sabihin niyang karibal? May gusto ba siyang ibang babae at may karibal siya? Wow ha... Lumapit ako kay Rian at tinanong kung kamusta si Lucifer. " copy...kinakamusta ka ni Vanadey" " sabi ko kinakamusta ka.." At bigla siyang tumawa. Ano kaya ang sagot ng lokong yun? " Girl inaantok na ako.,tulog muna tayo may jet lag pa tayo eh..buti si casper himbing na siguro tulog noon sa bahay nila Lucifer." humiga na ito sa sofa. Ramdam ko na din ang antok at pagod. Sa kabilang sofa ako humiga. Isang halik ang nagpagising saakin at mukha niya ang nasilayan ko. " shhh nagising ba kita?sorry ..matulog ka muna." Bumangon ako at niyakap siya. " akala ko kung ano na nangyari sayo..." Biglang sumingit si Rain kasama si Donovan. " uy..labing labing.! Sana all may naglalambing" sabat ni Donovan. Tinignan niya ng masama ang dalawa. " tara na nga Don, sakit ng leeg ko." Rain. " inggit ka?"Donovan. " bakit ako maiingit may Liza naman ako. Ikaw ang inggit.." " bakit ako maiinggit eh mahal ako ni Jade ." -_- pinapanood lang namin silang nagbabangayan. Biglang nagising si Xuen. " too noisy!" pabangon ito. Akala mo zombie ang itsura. At doon pumasok sa eksena si Aim. Binatukan ang dalawa. " Ang iingay niyo nagising tuloy misis ko.!" Aim " Aray naman maka batok ah..." Rain. " Misis daw,! Wala pa nga confirmation eh" Donovan " Umuwi na nga kayo, ..!" " Sumbong kita kay Lolo King ko." " Lolo ko din naman siya ah...!" At biglang may isang lumipad na tsinelas sa mukha ni Aim Syempre si Xuen ang may kagagawan .. " Ano ba froglots napaka ingay mo...!"reklamo nito. Biglang nagtatakbo ang dalawa. " Ikaw babae, alam mo na nga lang galing ako sa labanan,sasaktan mo pa ako.!" Ayun nag away na naman sila. Inakay na ako ni Lucifer palabas ng kwarto. Dumeretso kami sa kusina kung saan nagluluto sina Ryder at Jude. Andoon nagkakape sila lolo king. " Goodmorning mga iha..tara magkape na." Bakit ganun parang wala lang sakanila ang nangyaari kagabi.? Kahit may Pasa sina Nicolai ay balewala lang sa kanila. " Kamusta pala si Doc Jullian?"tanong ko Magkatabi kami ng upuan. Pinagtimpla naman niya ako ng kape. Habang ang dalawa ay nag aaway na bumababa . " Ok na siya,hinihintay nalang na magising ito." " Kayong dalawa,magtigil na kayo sa bangayan at kakain na. Ang aga aga LQ kayo." Lolo Bullet. " Ito kasing babaeng to lo eh binato ako ng tsinelas.." Nagtawanan naman ang mga iba. " sige tumawa kayo, ..ng matikman niyo suntok ko." banta nito. " Aim manahimik ka na nga kasi...daig mo pa si Xuen kung makipag away...bakla ka ba?" Lucifer " Shut up Lucas!" At doon tahimik na kaming kumain. Umuwi na din kami after kumain para magkapag bihis para madalaw si Doc Jullian. Hospital " gising na pala si Jullian." Sabi ni Lucifer. Sabay sabay kaming apat na dumating sa hospital. " Aira ,ano na lagay?"Aim " eto na..nagyayabang na siya. So meaning buhay pa." pokerface nitong mukha. Akala namin dalawa lang ang nakita naming pokerface sa pamilya nila...pati pa pala si Aira. " Dude..." sambit ni Doc Jullian. " Kamusta ang superhero!" Aim " gago!" sagot naman niya. Magkakatabi kaming tatlo nila Aira sa Sofa . " Akalain mo, sasaluhin mo ang bala para sa pag ibig mo kay Aira hahaha" Aim " Oh bakit kapag ba si Xuen binaril hindi mo sasaluhin?"balik na tanong nito. " gawin ko pa siyang Shield ..." Tinapunan naman ng masamang tingin ni Xuen si Aim " joke lang..." sabi niya kay Xuen. " Ikaw nga Lucifer sinalo mo lahat ng bala noon kina Vanadey. ..bakit hindi ko gawin sa babaeng mahal ko." pagpaparinig niya kay Aira. Si Aira naman ay nakikinig lang ito,pero alam ko na kinikilig siya sa mga sinabi ni Doc Jullian. " Gawin mo ulit pag may laban ha...para mas lalong bibilib si Aira sayo" Aim " manahimik ka nga Aim,napakaingay mo!" suway ni Lucifer. " sinama sama niyo pa kasi yan." sabat naman ni Dic Jullian. " loko ito ah..baka nakakalimutan mo ako ang nagligtas sainyo." " mas marami namang napatumba ng mahal ko kesa sayo...kinalagan mo lang kami." ? ? ? Xuen. Ako. Aira " masama nito..." " by the way Dude,nakilala niyo ba ang nagkidnap sainyo?" Lucifer " hindi ko sila kilala," Doc Jullian " ako mukha lang nakita ko. Isang matandang lalaki. May tattoo na Eagle sa bandang braso nito. at isang babae na naka face mask" " babaeng naka face mask?"Aim " pero wala akong nakitang babae sa location niyo" dagdag pa niya. Tumayo si Aira. " ang mata ng babaeng yun, parang nakita ko na siya noon. " " hindi kaya kilala ka niya?"Lucifer Nakikinig lang kami ni Xuen sa kanila. " Hindi ko alam, ang mga TaengCo group. ang sumugod saatin. Sila lang ang kalaban natin. Kung ang babaeng yun ay kasabwat ng TaengCo group isala lang ang ibig sabihin .. Mag kakakilala sila . Nag kakaisa para sila para kalabanin tayo" " napaka coincidence naman kung sakali. Wala naman na sigurong Love triangle saatin hindi ba?" " Meron,.." Lucifer sabay tingin saakin. Napatingin din sila saakin pati si Xuen. " Ok.. so ang labanan ay ang love triangle at mga gahaman sa dugo. Hindi natin alam kung sino ang uunahin." Aim " ikaw nalang kaya unahin ko!" Aira kay Aim " tsk hoy Jullian ano ba nakita mo sa pinsan ko at patay na patay ka dito. Hindi nga siya maganda eh., mas lalaki pa iya sayo." " Eh ikaw Xuen bakit nagustuhan mo itong si Aristotle,eh daig pa sa palaka kung magsalita. .." sabat naman ni doc Jullian. " Kinidnap lang ako niyan eh"sagot ni Xuen ๏_๏ ⊙_⊙ (¬_¬) ( ̄. ̄) Aira. Jullian Aim. Lucifer Natawa naman kami sa itsura nila. " Lagot ka kapag nalaman ni Tita Sunshine ang pagkidnap mo kay Xuen.hahaha" Doc Jullian " sus may nakidnap ba na ganyan katabing matulog pag gabi" Aim ~_~ Xuen " Uuwi na ako..." Aira " labs balik ka ha...gusto ko pasalubong matamis na Oo ..este orange" -_- mukha namin " Korni mo bugok!" Aim " dude magpahinga ka na., aalis na kami dahil puyat din kami." Lucifer " Sige salamat sa pagdalaw." Nagpaalam na kami. Sa bahay nila Lucifer " girls sorry kagabi. May inasikaso lang kami sa shop." bungad ni Omma Aeal " why? What happen Ma?" Lumapit sa amin si Omma Tok tok tok tunog ng heels nito. " Ma bakit yang heels mo na yan ang suot mo?" Napatingin naman kami sa heels nito. Isang super red killer heels ang suot niya. " Baby kasi, may nagloob sa shop, sinira lahat ng flowers at mga gowns kaya napasugod kami nila tita Sunshine mo." " Ma ok lang kayo?" pag aalala ni Aim " yes ok lang kami hon, wala naman kaming naabutan na tao doon. Pero isang note ang iniwan nila." Inabot ni Tita Sunshine ang isang papel Pagkabasa ni Aim ay crinample niya ito at nagmura sa salita nila. " Aim magrelax ka muna...kailangan natin imbestigahan ." Lucifer " By the way nag breakfast na ba kayo sa HQ? kasi nagbake nalang ako ng cupcake for meryenda..tara sa garden" Omma Aeal Bakit ganun kabilis mag iba ng mood ang mga tao dito. Magagalit biglang ok na.. Hinawakan ako ni Lucifer.. " I'll explain later para hindi kayo magulat agad agad sa nangyayari saamin." Tumango lang ako sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD