Lucifer pov
Bukas ay uuwi na kami ni Aim dahil may problema ang Orga. Kailangan si Aim sa mission, at kailangan nila ako sa hospital. 2 weeks man ang leave ko ay kailangan ko ng bumalik.
Pinag hahunting ang mga human healing para makakuha ng dugo namin laban sa isang virus na kumakalat.
Kailangan namin protectahan ang Orga at ang sinumang matamaan, at isa ako sa pwedeng makagamot sa kanila.
Hindi tumatalab ang mga sakit saamin, either Germs, bacteria nor Viruses.
" Lucas, tumawag si Rain nawawala si Aira hindi nila matrace agad dahil sinugod ng mga ninja assassin ang Bahay nila lolo King."
" Ano gagawin natin?"
" at ang nakaka gulat. TaengCo Orga. ang sumugod sa kanila. Lucas ang organization na sinalihan ng mga magulang nila Xuen at Vanadey. "
Napatayo naman ako.
" Ano!? "
" Kailangan ko si Xuen makuha, ikaw anong plano mo kay Vanadey!? "
" Teka bakit daw nila sinugod ang bahay nila Lolo king? Ano kailangan nila? "
" gagawing experimento at tsaka ubusin nila tayo... "
" Si Vanadey....." sambit ko.
"Ano!?"
"Si Vanadey.... Hindi naisagawa ang heart transplant sa kanya.."
Lumapit ito saakin at..
" Wag mong sabihin na kagaya na natin siya?"
Tumango lang ako.
" s**t! Malaking gulo ito..."
"Kasama ko sa pagpaplano si Lolo King.."
" Alam na ba nila tita yan?"
"Nasabi ko na bago ako pumunta dito"
" Kailangan na natin sila makuha"
??????
" Hindi ba mas lalo silang mapapahamak kapag madamay sila dito?"
" hindi.... Ang kinakakatakutan ko ay si Mama."
-_- hayop na ito.
" kilala mo sila kahit may kalaban, kapag lovelife ang usapan, mas tutok pa sila kesa kalaban"
Paano ko makukuha si Vanadey.?
" There planing to go to the Philippines, sa Lola at Lolo ni Xuen. Kaya pwede ko siya makidnap---aww"
" kikidnapin mo siya nababaliw ka na ba? Lalong lalala ang sitwasyon. Kailangan sa magandang paraan"
" Lucas ang mafia assassin, hindi Rizal tandaan mo yan."
" Hindi ko hinangad na maging complicado ang pagsasama namin ni Vanadey. Kung kelangan kong sugurin at mag makaawa ulit sa tatay niya ay gagawin ko."
" Ang problema kapag nalaman nilang halimaw ka din, lalo lang nila ilalayo si Vana sayo. "
" Gagawin ko ang tama... "
" so ano ako, gagawin ko ang mali? "Aim
Halos hindi kami mapirmi sa kinauupuan namin para makapag isip ng magandang plano.
" Pupuntahan ko si Vanadey ngayon din, Kakausapin ko ang tatay niya. "
" siraulo ka ba kapag binaril ka nila malalaman nila" Aim
" wala tayong choice kundi sumugod, kung hihintayin natin ng ilang araw, Paano ang Orga?"
Napaisip namam siya sa sinabi ko.
" ok my weapon ako dito na dala, ikaw ba?"
" wala..."
"wala?"
" Oo wala..."
" gago ka ba Lucas!? Susugod ka sa kanila na walang dalang armas... Ano yung tsikahan to the max?"
" hindi ako lalaban"
Napatampal naman ito sa noo..
" Hindi ko alam kung pinsan ba talaga kita.. Haist! Sige ibaback up kita. Madali lang naman makuha si Xuen dahil pala layas ang babaeng yun."
Biglang nag ring nag phone ko.
Si Mama
" hello Ma?"
" Baby si Jillian at Aira nakidnap..."
" what? Paanong pati si Jillian? "
" Hinanap kasi ni Jillian si Aira,.. natrace na si Aira. Pero may isa pang Problema. May itinanim silang Bomba sa Hospital kapag hindi tayo sumuko sa kanila."
" sino sila?"
" ang TaengCo Orga.kasama ang Ama ni Vanadey. "
Shit!
" ok uuwi din kami sa susunod na araw... Hindi nila mapasabog ang Hospital dahil kukunin namin ang Alas natin sa kanila. "
" what do you mean baby? "
" bye Ma.. "
Nagkakape si Aim ng humarap siya saakin.
" nagtanim sila ng bomba sa Hospital" saad ko.
" lintik na....!"
" unahin mo si Xuen na kunin, at sumunod ka saakin sa bahay nila Vanadey. Kailangan natin sila para itigil ng mga magulang nila ang kahibangan sa atin"
" makakaya kaya natin?"
" kayanin natin para sa Orga. Ayokong mawala ang Hospital at Orga."
" Lucas, hindi ka handa ganito, hindi pa namin nakita ang pagkahalimaw mo sana makaya mong controlin dahil isa si Vanadey ang masasaktan mo"
" hindi ko siya sasaktan... Dahil ang dugo ko ay dugo din niya."
" akala ko natapos na ang lintik na paghahangad nila ng dugo natin." Aim
" Mas malakas ang dating Human healing kesa saatin"
" Paano ba matatapos ito?"
" hangga't may taong gahaman sa dugong meron tayo at mero tayong armas na kakaiba."
" Hindi ako naaawa sa sarili natin, kundi sa mga kalaban natin. Hindi tayo basta basta nilalang.. Kawawa ang sinu mang hahawak kay Aira paniguradong kakain siya ng Lupa. "
" yan ang kinakatakutan ko Aim, ang maging halimaw tayo sa harap ng importanteng tao saatin"
Tinapik ako ni Aim
" mag handa ka... Dahil bukas din ay sesermonan ka nila Mata hahaha"
Mata means sila ang taga trace para malaman kung ilan ang tao sa lugar.
" Sino ang mata ng Orga?"
"Si Rain"
Bagay nga sa kanya maging Mata dahil sa bilis ng kanyang mata.
Kinabukasan
" eto gamitin mo pang emergency."
Inabot niya saakin ang isang dagger ng armas na dala niya.

" hindi ko kailangan yan..."
" Lucas, dugo mo ang gumawa niyan. Kaya para sayo talaga ang dagger na yan. Tsaka bagay na bagay sa Pangalan mo. "
" Tsk... Hindi ako papatay..."
"makinig ka Lucas... kinakailangan mong pumatay para sa taong mahal mo. Yan tayo Lucas. Pinapatay ang sinumang mananakit sa taong mahal natin."
". Pero hindi ito tama..." pilit kong sinasabi na hindi.
" Alin ang hindi tama? Bakit Lucas..? Tama ba na sugurin nila ang bahay ni lolo King? Ang Orga? Ang pagtatanim. Ng bomba sa. Hospital. Ang pagdukot kay Aira at Jillian. Dude ibukas mo ang isip mo. Eto tayo... Isang halimaw na kahit nasa tama tayo parati nilang ginagawa tayong masama. Hindi ito pelikula na lahat ng bida ay mababait. Yes mababait tayo, pero sobra na Lucas ang pagtugis saatin. "
Napatahimik ako sa mga sinabi niya.
Totoong nasa Tama kami kahit Mafia Assassin ang angkan. Dahil sa Mafia Assassin na nakatatak sa amin kami na ang tinatawag na mali o kaya salot sa lipunan.
Isng message ang natanggap komula kay Vanadey.
Pauwi daw ito sa bahay nila dahil dumating na ang ama nito. Kung ganun galing nga ito sa Pilipinas.
" dumating na ang ama ni Vanadey, mauna ka na.. Sumunod ka sa akin."
" sige mag iingat ka Lucas. Hangga't kaya mong kontrolin ang sarili mo ay gawin mo.."
Tumango lang ako.
Handa kong ibuwis ang buhay ko para kay Vanadey at sa Orga.
Kung tama man disisyon ko sana matapos na ito.
Hindi ko hinangad ang dugong meron kami..
Hinangad ko lang ang simpleng buhay, ang maging tahimik at makasama ang mga mahal ko sa buhay.