Lucifer pov
"Niyaya mo daw akong magdate?"
Ano na naman ba kalokohang sinabi ng anak ko??
"Ah.. Hahaha Oo nakalimutan ko sinabi kanina.." pagsisinungaling ko. Baka kasi malintikan ako sa anak ko kapag sinabi kong hindi.
" Bakit mo naman ako niyayaya?"
Bakit nga ba?
" Wala... Gusto lang din kitang makilala ng tuluyan."
" Friendly date...? "
" Oo... Friendly date lang kasi baka magalit asawa mo."
" Ok sige payag ako... maybe sa Sunday nalang may gagawin din kasi ako this days. "
" Sure no problem.. kahit naman ako ay may work sa Hospital. "
" Bye Lucifer... Goodmorning... "
Agad naipagbeso saakin. Oo nga pala sanay siya sa ganun pag bati.
Kumay ako pagkaalis niya.
Babalik na sana ako ng..
" waahhh! Tangna kayo " nagulat ako dahil sina Jullian At Aim nasa likod ko.
" Makatili akala mo Multo nakita! " Aim
" bakit naman kasi masyado kayong malapit... Nagulat tuloy ako."
" So ano na score niyo ni Mara?" Jullian
" May date kami sa Sunday..."
"Wow bilib na talaga ako sayo Lucas... Improving..." Aim
" Duda ako... Kilala ko itong si Casfear hindi niya gawaing magyaya ng date... Baka si Little Vana nag utos" tsk kilala talaga ako ni Jullian.
" Oo... Kagagawan ng anak ko. Sabihin ba naman niya kay Mara na niyayaya ko itong magdate."
" yun panalo ako.. Akina pusta mo sabi ko sayo eh... Si little Vana nag first move" at inabot naman ni Aim yung limang libo.
" siraulo kayo pinagpustahan pa niyo ako."
" Katuwaan lang.. Ito kasing si Aim bilib na bilib sayo magka chicks agad eh"
" tsk mag Oo ka nalang daming angal... Di ka naman makatangi sa anak mo" Aim
" Yun na nga eh.. May training pa ako.."
" Ah tinatanggap mo na?" Jullian
" Kesa naman piliin ni Mama si Vana.. bata pa ang anak ko para bigyan agad ng responsibilidad."
" Wag ka nga OA Lucas, sa tingin mo ba hindi dadaan si Little Vana sa ganito? Nakatadhana ang lahat ng bata sa angkan. Hindi nila pwedeng tanggihan ang dugong meron sila" Aim
Tama siya., ako lang bukod tanging umayaw sa nakatadhana saakin. Mas pinili kong magbigay ng resbisyo sa Hospital kesa sa Orga.
" Gagawin mo naman ito hindi para sa Orga. Casfear kundi sa anak mo na gustong makasama ang mommy niya.. Hindi mo makikita ang awa sa mukha ng bata dahil sa taglay niyang tapang. Pero nasa puso niya ang nag uulila sa Ina."
" Ayokong masaktan ang anak ko, ayoko din umasa siya na buhay pa ang mommy niya. Pero gagawin ko lahat para ipakita sa kanya na nandito ako para protektahan at alagaan siya. "
" Magagawa mo yan ng dalawa Lucas. Ang iligtas ang mommy niya.,at protektahan si Little Vana. "
Inabot ni Jullian saakin ang beer... Kinuha ko ito at tinungga.
" Ayoko lang kasing masanay si Vana, na habang lumalaki ito ay may obligasyon na sa angkan."
Tinapik ako ni Aim
" Hindi ginusto ng angkan natin na magkaroon ng dugong meron tayo. Hindi natin ginusto na may naghahangad sa meron tayo. Hindi rin natin ginusto ang mga nangyayari saatin Lucas. Kahit kami ay inaalala namin ang mga anak namin... Si Ivo habang lumalaki ito ay mga swords na ang inaaral niya. Bro hindi mawawala sa atin yan. Kahit ipaiwas natin sa kanila. Darating at darating ang panahon na kusa na nilang gagampanan ang tungkulin nila. "
" Pero Masyado pa silang bata... "
" Casfear... Mula noong ginawa akong human healing nila lolo Bullet. Tinanggap ko ng buong puso ang dugong yun. Alam mo kung bakit? Para maprotektahan ko si Aira..., hindi man ako ganun kagaling makipagbugbugan gaya ng asawa ko., meron pa din akong kakayahan ipagtanggol sila. Naiintindihan mo ba ang ibig naming sabihin? "
Hindi ako sumagot. Pero alam ko naman kung bakit.
" Lucas..,kasing galing o kasing hina mo man ang unang halimaw saatin., may kakayahan ka parin ipagtanggol ang mahal mo sa buhay, hindi mo kailangan talikuran ang nakatadhana sayo. Wag mong hintayin na pati si Little Vana ay mawala sayo dahil sa hindi pag intindi sa dugong meron tayo,"
" Hindi ko kasi alam kung paano kontrolin ang dugong meron ako"
" Ano ba yan Casfear, mas nauna ko pang napag aralan ang magkontrol ng sarili kesa ikaw na totoong dugong meron ka."
>_>. My Vanadey... Please forgive me.