34

2149 Words
Vanadey pov Inaakay namin ang mga bata para mailayo sila sa panganib. " Ate Vana Ate Xuen sumunod kayo ha wag kayong lalayo saamin. Uunahin lang namin ang mga bata." Laikyn " Ok.." sagot ko naman. Ngunit si Xuen hindi mapakali sa sarili nito. " Wag kang mag alala mahahanap niya si Aim." "Girl iba talaga kutob ko eh..." Bigla nalang itong tumakbo pabalik sa pinanggalingan namin. Kaya sinundan ko naman siya. " nal gidalyeo" -wait for me "Xuen!" Nang biglang may nagtakip ng panyo sa ilong ko. At nawalan na ako ng malay. Nagising ako na nakatali ang mga kamay at paa ko, nakatakip ng panyo ang bibig ko. Tinignan ko ang katabi ko at alamin kung sino. Si Doc Jullian at Si Xuen...na kagaya ko ay nakatali din. " gising na ang isa..." sabi ng lalaking nakamask. " buhatin niyo na mga yan... Padating na ang mga halimaw" sabi ng babaeng nakamask din. Pumapalag akong buhatin nila. Paano nalang kung hindi nila kami mailigtas... LUCIFER Nakarating kami dito sa may bundok. Ssa sobrang init ay napapaso na ang balat ko sa pagbabad sa gitna ng araw. Itinali nila kami sa isang malaking puno na parang hayop nanaka hanging. Ako at si Doc Jullian,samantalang si Xuen ay naka upo lang ito sa baba namin. " maghanda kayo..!" Nakita ko si Lucifer Aira at si Aim na tumatakbo palapit sa amin. " Hanggang dyan nalang kayo kung ayaw niyong hagisan ko ng pana ang mga katawan nila." saad ng babaeng naka mask. " Bakit hindi mo gawin sa asawa mo!" sigaw ni Aira. Asawa?? Sinong asawa nito? " kaya ko siyang patayin gaya ng nangyari noon, kaya wag na wag mo akong hahamunin Aira. " Si Doc Jullian ba ang tinitukoy niya? " ang galing niyo talagang mangdamay ng iba para matalo kami, kahinaan! " " Ano ba talaga ang kailangan niyo saamin?" Tanong ni Lucifer. Ang sakit sakit nang mga wrist ko sa pagbitin ko gamit ang tali. " Apat lang ang kailangan namin sa inyo, ang Dugo na meron kayo, ang kryptonite na tinatago niyo, ang mawala kayo sa mundong ito at maging akin si Vanadey" Sabi ng isang lalaking lumabas. Ako? Bakit ako ang gusto niya? Sino naman ito? " Sinabi ko naman sayo...hindi kami magpapatalo!" sagot naman nito. " Bakit ba pati ang mga babae dinadamay niyo. Saamin lang kayo may galit bakit pati sila sinasali niyo" Aim Biglang nagsalita si Xuen. Hindi naka takip ang bibig nito?? " Aim..." " Maghintay ka lang diyan ililigtas kita!" Pumalakpak naman ang babae... "nakakatuwa... akalain mo naman gagawin niyo lahat para sa babaeng hindi niyo naman gaanong kilala.." "Anong ibig mong sabihin?" Sumenyas ang babae sa tauhan nito... Kinalagan naman si Xuen. What?? " Xuen?" Lucifer pov " Xuen?" Aim Si Xuen ang traidor? " Xuen anong ibig sabihin nito?" Aim Napayuko lang ito at tumabi sa babaeng naka mask. " Isa lang ang ibig sabihin niyan... Siya ay kasama namin... Ang pagkikita niyo sa Australia ay planado, mula pa noon ay pabalik balik na siya dito sa Pilipinas para manakaw ang mga Kryptonite. Nagpanggap na din siyang Nurse, pasyente, cliente, at costumer sa mga extension. " Taehzy Paano niya nagawa yun? " kaya pala si Vanadey lang ang napuntiryang mainjection dahil kakampi ka nila Xuen... Bakit mo nagawa saamin ito? " sumbat ko. " dahil kayo ang pumatay sa kapatid ko!? " naiiyak niyang sagot. " Kapatid? " sabay naming tatlo. " Kayo ang nagpasabog ng sasakyan namin noon, naiwan ang kuya ko sa sasakyan. Hindi ko nakakalimutan noon kung paano tinupok ng apoy ang sasakyan.." " Paano ka nakakasiguro na kami ang may kasalanan?" Tanong ko. " Dahil kayo lang ang may kakayahan gumawa ng bomba na kakaiba., nalaman ni Papa na ang Grazeter ang nagpasabog. " " Anong ebidensya meron kayo? " Aira " yun dahil ang imbestigasyon ng mga pulis sa Korea. Kaya naghihiganti kami sa pagpatay niyo sa kuya ko.! " Biglang dumating sina Lolo Bullet at Lolo King. " hindi patay ang kuya mo Xuen. " sagot bigla ni Lolo Bullet. Agad nilang tinutukan ng baril sina lolo kaya humarang kaming tatlo. " Bakit hindi mo tanungin ang mga kasama mo kung asaan ang kuya mo?" Lolo King. Naguguluhan na ako. " Manahimik kang matanda ka! "sigaw ng babaeng naka mask. " Wag na wag mong sisigawan ang lolo ko! "banta ni Aira. " Xuen makikinig ka ba sa kanila gayong sila naman ng nagpasabog sa sasakyan niyo noon. " Napatingin saamin si Xuen. Tinignan ko si Vanadey na nahihirapan na ito sa kalagayan niya. Biglang may narinig kami sa ear mic namin. Rain: ok na dito sa loob ng Orphan. Nabuhayan ako sa sinabi ni Rain. " kung Kami ang nagpasabog ng sasakyan... Ano naman mapapala namin kung ganun? Kilala kami bilang Mafia Assassin na ginagawa ang nasa tama." Lolo King. "Asan ang kuya ko!?" tanong ni Xuen " nasa harapan mo na siya Xuen." Lolo Bullet Si Jullian ba ang tinutukoy nito? " Si Jullian ang kapatid mo Xuen.. Siya Xian Go. Noon pa man ay alam na namin kung sino siya dahil matalik na magkaibigan sina Lucifer at Jullian itinuring na namin siyang apo at bilang kapamilya. Nalaman din namin ang koneksyon niya sa grupo, lalo pa kaming natuwa ng umalis siya sa grupong yan. " Lolo King. " Lolo kung ganun alam niyo ang lahat lahat? "Aira " Oo mula pa noong magkaklase sila... Lahat alam namin. " " hahaha nakakabilib nga kayong mga halimaw... " Napansin ko nalang na naalis ni Jullian ang tali sa kanyang kamay. At kumindat saakin para hindi ito ipahalata. Ngayon halimaw na nga din siya kagaya namin. " yan ang dahilan bakit gigil na gigil kayo saamin hindi ba? " Aira. " guys... Kayo ng bahala sa kanila.. The event will continue after this.." umalis na sila na parang wala kaming kalaban na kaharap. -_- so tuloy pa din ang event?? " Ngayon Xuen... kanino ka naniniwala amin o sakanila?" tanong ni Taehzy Hindi nakasagot si Xuen. Kaya agad na hinila ni Taehzy ang buhok nito at itinutok ang patalim sa leeg niya. " Wag! "Aim " hahaha ililigtas mo pa di siya kahit trinaydor kayo? "Babaeng naka mask Agad na tumalon si Jullian at binigyan ng tadyak si Taehzy para mabitawan si Xuen. Kaya sumugod naman din kami. Habang naglalaban kami ng mga tauhan niya. Si Aira at ang babaeng naka mask ang magkalaban. Si Taehzy at si Jullian.. si Xuen naman ay nasa gilid lang ito. " Xuen please si Vanadey..." sabi ko. Natauhan naman ito at tinulungan niyang ibaba si Vanadey. Ngayon nagkapalit na kami ni Jullian ng kalaban. Ako Vs Taehzy "ngayon dito natin tatapusin ang kahangalan mo.." sabi ko. " Kahit anong gawin mo.. Magiging akin si Vanadey.!" inatake ko ito ng Katana, sa lakas nito ay nasangga nito ang atake ko. Gigil na gigil ako sa kanya... Kaya lalo akong nakakaramdam nhmg init sa aking katawan. " nasaakin lang ang gamot sa kanya..." Gamot? " ang lason na nasa kanyang katawan ay hindi na magagamot ng ano mang gamot, kahit ang dugong meron kayo!" tsaka ito tumawa. " Wag kang nakakasiguro Taehzy.... Wala kang alam!" " Wala nga ba Lucifer?? " Nang makababa si Vanadey ay siya namang paghatak nito aa kanya " Ano ba bitiwan mo ako!? " " Oh ano Lucifer... Hawak ko na siya.. Hahaha" "hayop ka bitiwan mo siya!" " Natatakam na ako sa amoy ng babaeng pinakamamahal ko!" sabay halik niya sa leeg ni Vanadey. "Sino ka ba?" tanong ni Vanadey na nanginginig na sa takot. " ako lang naman ang dapat na nagmamay ari sayo kung hindi lang kinansela ng ama mo ang engagement natin dahil sa lintik na Doctor na ito." " Hindi kita mahal!" sagot ni Vanadey " Mamahalin mo din ako. Soon my Vanadey..." Nakita kong may hawak na kahoy si Xuen para ihahampas niya kay Taehzy. Pagkapukpok nito ay tumakbo agad sina Vanadey at Xuen saamin at siya namang pagkahagis ko ng dagger sa katawa nito. Tumama sa tiyan niya ang dagger tsaka nilahad ko ang kamay ko upang bumalik saakin ang dagger. Dahil sa natamo nito siya na mismo ang nanghulog sa sarili niya sa bangin. " Taehzy!" sigaw ng babaeng naka mask Natalo ni Aira ang babae kaya tinalian niya ito upang hindi makatakas. Niyakap ko agad si Vanadey, ganun din si Jullian kay Aira. Ngunit si Aim at Xuen ay nagkatinginan lang. " Aim... Hindi alam ni Xuen ang---" pinutol nito ang sasabihin ko. " bumalik na tayo...hinihintay na tayo sa Orphan." tsaka ito umalis. Nilapitan namin si XUen na umiiyak. " Xuen..." Niyakap ni Vanadey si Xuen. " Totoo ba amg narinig ko kanina Aira? Kuya ko Doc Jullian? " " yun ang sabi nila Lolo..." Aira " Guys sa loob na natin pag usapan yan.. Napagod ako." "Rain ipatignan niyo ang baba ng bangin ang katawan ni Taehzy..." Rain: Ok copy... ang daming katawan ang nakakalat sa buong Orphan.. Lalo na diyan sa bangin.. Kaya natagalan silang tulungan kayo. "Ok lang Rain.. Nakaya naman namin" Aira Rain: dalian niyo patapos na magbake sina lola.. Kakaiba naman talaga ang clan namin. Katatapos palang ang labanan ay back to normal na naman na parang walang nangyari. Sa Orphan Habang inaayos ang garden, Ipinaliwanag naman nila Lolo kina Xuen at Jullian ang tungkol sa kanila. " Jullian kaya wala kang maalala sa past mo ay ginamitan ka nila ng pampalimot, ayon sa taga bantay sayo na tauhan namin. Wala ni isa sa past mo ang binanggit nila sayo." " Lolo paano po nakaligtas ang kuya ko sa pagsabog?" " Si Mama Aeal mo ang nagligtas sa kuya mo noon, habang nagshoshopping sila nila Tita mo Chanel sa korea nakaamoy siya ng powder ng bomba. Alam niya ang mga amoy ng pulbura... Dahil kay Lolo Bullet mo. Agad niyang nilabas ang kuya mo na natutulog, ang kaso ang akala nito ay alam ng umuwi ang kuya mo kaya iniwan na niya ito, Doon na kinuha ang kuya mo ng mga kalaban " Lolo King " Paano po yung nadiskubre ng mga pulis na katawan? "Xuen " hindi namin alam kung saan nila kinuha ang katawan ng batang sinasabi nilang kuya mo. " " Kaya pala..ako ang ginagamit nila para maging spy sa inyo. " Jullian " Lolo paano na ito .. Si Aim mukhang galit na galit siya kay Xuen. "Ako " Mahal naman niya si Xuen eh.. " Aira " Ganun din naman itong si Xuen. "sabat ni Vanadey. " don't worry iha.. Kilala ko ang Apo ko, ako naman ang ang utos sa papa niya na siya ang ipunta sa Australia...alam kasi namin na ikaw ang gagamitin para makapasok sa amin... Well in time mapapatawad ka din niya. Nasaktan lang siya dahil akala niya ay hindi totoo na mahal mo siya" " hindi ko po sinasadya na mapamahal sa kanya... Kaya nga po sinugod kami kagabi para dapat mainject kami ni Vanadey. Nakaiwas ako dahil alam ko na ang balak. Sorry girl at hindi kita naipagtanggol" " its ok girl... Bff pa din naman tayo no matter what.." "Lolo about sa kalagayan ni Vanadey..?" " Relax Apo... She's belongs to us... hindi tatagal ang lason sa kanya." tawa tawa ni Lolo King. Pero nag aalala pa din ako sa sinabi ni Taehzy na gamot para kay Vanadey. " Paano naging Human Healing itong si Jullian?" " After naming nalaman ang katauhan niya... hinikayat namin siyang maging katulad natin siya noon ayaw pa niya dahil baka daw malaman ng kalaban... Pero ng malaman naming magkapatid si Xuen at Jullian at sinabi namin sa kanya. Doon na ito pumayag para mailigtas niya ang kapatid at si Aira... Kaso nga lang hindi siya na train makipaglaban kagaya mo hahaha" " So matagal mo ng alam na kapatid mo si Xuen?" tanong ko Tumango lang ito. " Mas safe kasi kapag hindi ko muna ipaalam sa inyo.. Kaming tatlo lang nila Lolo King at Lolo Bullet ang nakakaalam" " Hoy mga hinayupak! mag ayos na kayo... in 1 hour babalik na ang mga bata.. Kapag hindi pa ayos diyan humanda kayo!" sigaw na banta ni Mama. " Girls mag ayos muna kayo ng sarili niyo.. Baka pagalitan tayo ng tita Aeal niyo mahirap na siya pa naman ang incharge ngayong event"Lolo Bullet. Nagsama sina Vanadey Aira at Xuen para mag ayos ng sarili " Dude paano ba yan... hinayupak ka na din! "sabay tapik sa balikat. " Hahaha matatamaan na din ba ng heels ni tita? " " Mukhang may isang matatamaan... " tinignan namin si Aim na parang tulala. " Aim... " tawag ko sa kanya Sinulyapan lang niya ako. " Hindi mo ba kakausapin si Xuen? " " Bakit ko kakausapin niloko lang niya ako. Palabas lang pala ang lahat. " Inakbayan naman siya ni Jullian " Hindi lahat ay palabas Aim..," " niloko pa rin niya ako. Hindi totong mahal ako ni Xuen." " Dude..,totong mahal ka ni Xuen, ginawa lang niya yun dahil akala niya tayo ang pumatay sa kapatid niya. " " kahit na pa... Trinaydor niya tayo.." " kahit naman ako naging traidor noon" Jullian " iba naman sayo.. Umalis ka din naman agad." "sus nagpapa heart to get ka pa diyan.." " manahimik ka nga Lucas.. " inis niyang sabi habang inaayos ang stage. " Ikaw din bahala ka. " " pababalikin ko nalang siya sa Korea wala na din palang rason manatili siya dito "saad ni Jullian para lalong mabwisit si Aim At tama ako napatigil siya sa ginagawa nito. Napangisi naman kaming dalawa ni Jullian sabay apir
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD