Ng magtungo na nga si Rhea sa office ay nakita niya si Michael na papalabas, mukhang nag mamadali ito. Kaya hindi nalang din niya ito tinawag. Nag iwan naman ito ng mensahe sa kanya. “Good morning Rhea! Pupuntahan ko muna si Daddy, at mommy. Ikaw na muna sa office ha. May nilagay akong foods kung nagugutom ka, kumain ka. Hindi naman din ako magtatagal may pag-uusapan lang kami nila mommy, at daddy. Mwahh!" Napangiti naman itong si Rhea, kasi pinapaalam naman ni Michael ang mga ginagawa nito. Nang magkita na nga sila sa meeting place na magulang niya “Anak, upo ka. Medyo matagal din tayong hindi nagkita Michael." sabi ng kanyang Dad. “Mabuti naman anak, at nandito kana. Pinag-usapan namin ng Daddy mo, ang pagiging malapit ninyo ng secretary mo. kaie, tumawag itong daddy ni Danica. N

