Chapter twenty-five

2018 Words

Napapikit ako ng humiyaw sa sakit si Lulien dahil sa usok na bumabalot sa kanya parang hindi agad ako nakakilos dahil sa gulat. Sinusubukan na makawala ni Lulien pero lalo lang humihigpit ang bumabalot na usok sa katawan niya. "Abby tama na wag mong idamay si Lulien please!" Sigaw ko pababa ng hagdan gusto ko sanang lumapit pero sumigaw si Lulien. "Ate Mia wag ka na lumapit." Napatigil ako dahil sa nahihirapan niyang boses napatingin ako kay Alexa na sa kanya nanggagaling ang itim na usok na bumabalot kay Lulien. "Anong nangyayari bitiwan mo na si Lulien." Nakikiusap kong turan kay Alexa pero lalo lang niyang sinaktan si Lulien gamit ang usok na nagmumula sa kanya. Naawa ako kay Lulien dahil sa sakit na nakikita ko sa kanyang mukha, napakuyom ako ng kamay dahil ibang-iba na ang dalawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD