Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Lucas dahil kanina pa siya tumatakbo at mahigpit lang ako na nakayakap sa kanya. Kinakabahan ako pero buo na ang loob ko kaya kung ano man ang mangyayari ay may tiwala ako kay Lucas. Ang tanging gusto ko lang ay mailigtas ang buong Valle Verde na pinakamamahal ni lola kaya naman ayoko ng maging makasarili ngayon. Mayamaya pa ay huminto na siya at napatingin ako sa isang may kalumaan ng bahay kaya nagtataka ako na napatingin kay Lucas. "You said you want me to bite you?" Bigla niyang tanong kaya kinabahan ako at napatingin sa ibang direksyon. Nararamdaman ko ang napakalakas na t***k ng puso niya at ang init na nagmumula sa kanyang katawan. "Gusto kong iligtas ang lola ko Lucas." Mahina kong tugon sa kanya napahawak ako sa kamay ko at napayuko.

