Nagising ako na parang may dumidila sa pisngi ko kaya sinaway ko ito at narinig ko ang mahinang ungot ng kung anong hayop kaya agad akong napamulat ng mga mata ko. Tumambad sa akin ang isang puting aso na nasa gilid ko at kumakawag ang buntot. Napakunot ang noo ko ng parang may mali kanina lang ay pumasok ako sa silid ni lola dahil sinabi sa akin ni uncle na nasa loob ng silid ang huling lagusan na papunta sa Encera. Isang pinto lang ang nakita ko at nagliliwanag ito kaya lumapit ako pero may kung anong bagay ang humila sa akin at nawalan na ako ng kontrol. "Sino kaya siya?" Napatingin ako sa dalawang bata na nakatingin sa akin kakaiba ang mga salita nila pero naiintindihan ko ito at malinaw ito sa pandinig ko. "Nasaan ako sino kayo?" Tanong ko bigla sa dalawa na gulat na nakatingin s

