Ito ang araw ng kasal ni Darin at Lira at lahat ay abala para sa seremonya nakita ko kung gaano kasaya si Lira maging si Darin kaya masaya ako para sa kanilang dalawa. "Handa ka na ba?" Tanong ko kay Lira ng lapitan ko siya habang inaayusan siya ni Nayumi na parang hindi nanganak dahil napakaganda pa rin niya. "Kinakabahan ako pero masaya." Nakangiti niyang turan kaya napangiti rin ako at napatingin kay Nayumi. "Kumusta na nga pala ang anak mo?" Tanong ko sa kanya. "Iyakin at pinupuyat ang ama niya pero masaya kami dahil ligtas siya na lumabas sa mundong ito." Nakangiti niyang sagot kaya napatango ako "Pero dahil sa ginawa mo ay nakatulog ka ng dalawang araw at humihingi ako ng paumanhin." Mahina niyang turan kaya napailing lang ako at hinawakan siya sa kamay. "Sabi ko naman sayo na

