Nakahinga ako ng maluwag ng dahan-dahan akong ilapag ni Lucas sa lupa. Napatingin ako sa paligid medyo madilim na kaya tanging ilaw lang sa bayan ang nakikita ko. Malamig rin ang simoy ng hangin pero agad na nawala ang lamig sa katawan ko ng yakapin ako ni Lucas mula sa likod. Napapikit at napahinga ng malalim dahil hindi ako makapaniwala na dadalhin niya ako dito. "I'm so sorry Mia. Dinala kita dito dahil gusto kitang makausap." Bulong niya at hinigpitan pa ang yakap sa akin. Kumalas siya sa yakap sa akin at tumabi sa akin. "Lucas pwede ba akong magtanong?" Lakas loob ko na tanong sa kanya laya napatingin siya sa akin at napatango. "Kahit ano pwede mong itanong sa akin sasagutin ko lahat." Malambing niyang sagot kaya lalong lumakas ang t***k ng puso ko. "Bakit gusto mo akong pakasa

