Nagising ako na parang may nakayakap sa akin mula sa likod kaya kinabahan ako at paghawak ko sa braso nito ay pamilyar sa akin. Nagulat ako ng makarinig ako ng sunod-sunod na katok sa pinto kaya napamulat ako bigla. Napatihaya ako ng higa dahil sa wirdong panaginip ko na iyon kaya napailing na lang ako. Bumangon na ako at naginat ng mga kamay mukhang abala na ang lahat dahil nakikita ko mula dito sa bintana na nakakalat na ang mga tao sa paligid. Mayamaya pa ay may kumatok dito sa silid na inuukupa ko kaya dali ko itong binuksan tumambad sa akin si Mirna na nakangiti. "Magandang umaga rin Mirna." Bati ko rin sa kanya. "Halika na nakahanda na ang mga pagkain para sa agahan." Sabi niya kaya napatango ako. "Susunod na lang ako at maghihilamos muna ako." Sabi ko sa kanya kaya napatango

