Nagising ako na magaan ang pakiramdam pero alam mo na may nagbago na kaya napapikit ako. Kahapon ay ang kasal namin ni Lucas at hindi mapapantayan ang saya na nararamdaman ko ngayon. Nandito pa rin ako sa bahay nina lola dahil nangako si Lucas na hindi pa ngayon ang tamang oras na magkasama kami sa iisang bahay. Gusto niya muna na magtapos ako ng pag-aaral at gawin ko muna ang mga bagay na gusto ko pa n gawin, kaya lalo ko siyang minahal dahil dito hindi siya nagmamadali. Bumangon na ako at inayos na ang kama ko at binuksan ang blinds ng bintana saka ako tumanaw sa bintana isang napakaaliwalas na panahon ang bumungad sa akin kaya napangit ako. Mukhang magiging maganda ang buong araw dahil sa magandang panahon. Hinanda ko na ang uniform ko at pumasok na ako sa banyo para maligo. Paba

