"HOW DARE YOU!" singhal ni Eunice na nakakuha nanaman ng atensyon. "Shut up Eunice. Ano ba, don't ruin my husbands birthday" singhal din na sagot ni Andrea. Natahimik bigla si Eunice. Napangiti narin ako habang nasa likuran ko lang si Gregory naghihintay lang ng konting pagkakamali ni Eunice. Ako ka ngayon Eunice, natahimik ka na? Bumalik sa mga kaniya-kaniyang business ang mga tao at doon rin nagsimulang muli ang tensyon sa aming lima. Paul, Eunice, Zac and even Andrea. Ayaw ko ng gulo dito pwede sa labas o saan man kahit nasa teritoryo nila o teritoryo ko pero hindi dito. Masyadong agaw atensyon dito, ayokong madumihan ang pangalan ng mga Jimenez dahil sa isang iskandalong ito. Hindi pwedeng mag buwis buhay. Tsaka ko na sisirain ang mukha ni Eunice pag sigurado akong masasalba ang pan

