Lorraine's POV Bumaba ako sa sasakyan ko, ngumingisi ng napakalaki. Dahan-dahan akong lumapit sa nag-aalburotong Eunice. Halos kalmutin na niya ang mukha ng mga alagad ko para mapalayas lang siya. Wife? Talagang ang kapal ng panga niya huh? Kahit kelan hindi siya magiging asawa. Habambuhay siyang magiging kabet maghihintay kung kelan ako mamamatay para mapunta lang si Paul sa kanya. Which is, in her f*****g dreams wala siyang mapapala sa paghihintay niya. Hindi pa ako nakakaabot sa kanyang harapan napansin na niya ang grand entrance ko. "Hi Mistress? How are you?" mataray kong sabi habang nakangisi sa kanya. "f**k Lorraine" singhal niya. Gulantang siya sa nakita. Humigpit ang kanyang mga kamao na para bang mapapasabak siya sa sampalan at p*****n ngayon. Gusto kong matawa sa mukha niya,

