Suntok agad ang inabot ni Zac pagkatungtong nila sa isla. Galit at pagkamuhi ang gumuhit sa mukha ni Paul ng makita nitong magkasama ang dalawa, hindi niya maipaliwanag ang puot at galit na nararanasan nya habang wala ang asawa, di nya nakikita. "Gago ka, pati ba naman ikaw pagiinteresan ang asawa ko? Gago ka!" sumunod ang isang suntok na di makabawi si Zac. "Paul, stop it. It's my fault, Paul" pilit na tinatakpan ni Lorraine ang kasalanan. "Stay out of it Lorraine" sabat ni Zac at pumosisyon. "Please Zac, wag na! Paul, ako ang may kasalanan nito, please wag kayong magkasakitan" humahagulgol na si Lorraine. "Ang landi mo kasi Lorraine, may asawa ka na, kinutos mo pa ang matalik na kaibigan" inis na sabat ni Eunice, nakangisi at napameywang lang. 'Eh ano nalang kaya ikaw? Mas marumi k

