Bernadette and Juniel - 27

1164 Words

SI BERNADETTE ang naunang tumalikod nang higa kay Juniel nang matutulog na sila. Ang lalaki naman ay nag-alangang yakapin siya para iharap muli. Sa huli’y pinili na lang din nitong sa kabilang panig ng kama humarap sa pagtulog. Pinigil ni Bernadette ang sariling mapabunghalit ng iyak nang maramdaman ang pagkilos na iyon ng asawa. Hindi niya inaasahang aamuin siya nito ngunit hindi rin naman niya akalaing gaganti ito ng pagtalikod sa kanya. Unang pagkakataon iyon na nagkaroon sila ng samaan ng loob. At tinulugan nila nang hindi nagkakaayos. Nang magising siya kinabukasan ay hindi na niya namulatan ang asawa. Tanging ang maikling note na nasa pinto ng refrigerator ang nakita niya. Lalo iyong nakabigat sa kanyang pakiramdam. Gusto niyang sisihin ang sarili dahil tinanghali siya ng gising.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD