TATLONG araw na si Bernadette sa mansiyon ni Dorina sa Alabang. At kung hindi pa niya itinaboy pauwi sa Philamhomes ang mga magulang ay hindi siya iiwan ng mga ito. Mula nang ihatid siya ay naroon lagi sa kanyang tabi ang dalawa. Nalilibang siya sa nakikitang kasabikan ng kanyang ina sa kanyang ipinagbubuntis. Nang sumunod na araw ay magkasama silang mag-ina sa pag-shopping. Mas excited pa nga si Mariel sa pagpili ng mga maternity dresses niya. “Manang, pakiakyat na lang ho `yong juice ko,” aniya sa intercom. Hindi maikakailang excited rin siya sa pagbabago ng katawan. Ngayon ay katatapos lang niyang mag-shower. Nakatapis pa siya ng tuwalya habang pinagmamasdan ang naka-hanger na mga bagong damit. Hindi tuloy siya makapagdesisyon kung alin ang isusuot na damit. “PARA kanino `yan?” ta
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


