“WALA na ba tayong nakalimutan?” tanong ni Bernadette nang maisakay na ang lahat ng bagahe sa kotse ng tiyahin. “Kung mayroon man ay ako na ang bahalang magpadala.” Si Dorina ang sumagot sa kanyang tanong. “Mag-iingat kayo, okay? Hindi ko na kayo maihahatid dahil sinumpong na naman ng migraine si Romulo. As usual.” “Sobra-sobra na ang pagtanggap ninyo sa amin, Tita. Thank you,” magiliw na sambit ni Juniel. Hindi nagtagal ay patungo na sila sa airport. “Princess,” mahinang tawag ni Juniel sa kanya. “What is it?” Sinulyapan niya ito. Subalit tila nabitin sa ere ang anumang sasabihin nito. Sa halip ay mabilis na yumuko ito at kagyat na hinalikan siya sa mga labi. “Juniel, nakakahiya sa driver,” saway niya rito bagaman nakaramdam din siya ng kiliti sa ginawang iyon ng asawa. “But why?

