Bernadette and Juniel - 11

1026 Words
NANG ihatid ni Glenn sa tapat ng bahay si Bernadette ay kaagad na itong umalis. Hinintay muna ng dalagang mawala sa paningin niya ang kotse. At sa halip na mag-doorbell ay naglakad siya sa ibang direksyon. Naalala pa niya ang naging pag-uusap nila ni Glenn sa loob ng isang restaurant sa highway. Kapwa sila hindi makakain dahil seryoso ang pinag-uusapan. Nagkasundo na sila. Magiging magkaibigan na lamang muna sila. Nasa corner lot ang puwesto ng bahay nila kaya lumigid siya sa kabilang kanto. Desidido na siyang maglayas. Wala pa siyang ideya kung saan tutungo. Napakubli siya sa malagong halaman nang matanawan ang paparating na sasakyan. Bahagya siyang nasinagan ng headlights ng kotse.Ganoon na lang ang kaba niya na baka kakilala niya ang nagmamaneho. Nakahinga lang siya nang maluwag nang lumampas iyon. Humihingal na naisandal niya ang sarili sa pader. Maya't maya ang paglingon niya sa pinanggalingan. At nang ibaling niya ang tingin sa harapan ay bumangga siya sa matigas na bagay. Naparalisa ang katawan niya nang matantong tao ang kinasadlakan. Isang lalaki na nagmamay-ari ng matipunong katawan. Gusto niyang sumigaw subalit walang lumabas na boses sa kanyang lalamunan. “Where do you think you’re going?” mariing usig ng boses ng lalaki. “Juniel...!” Bahagya lang siyang nakahinga. Panibagong kaba ang gumapang sa dibdib niya. “At sino pa sa akala mo?” Hinablot siya ng binata sa braso at halos kaladkarin pabalik sa pinanggalingan. Pilit naman siyang nagwawala. Ngunit hindi siya makakawala mula sa kamay nitong sintigas yata ng bakal. “Bitiwan mo ako!” “Shut up! Nakakabulahaw ka sa mga kapitbahay,” angil nito. Bahagyang lumuwag ang hawak nito sa kanya. “Huwag mo akong pakialaman. Ayoko pang umuwi!” matigas na sabi ni Bernadette. Nagtagis ang mga bagang ni Juniel. “At kailan mo balak umuwi? Kapag may nangyaring masama sa mommy mo? Hihintayin mo pa bang magkagan`on?” “What?” “You heard me. Inatake ang mommy mo dahil sa pagkawala mo. Hindi ka ba nagtatakang kami lang ng daddy mo ang nakausap mo kanina sa telepono? You know your mother. Nagkatampuhan man kayo o hindi ay ibang usapan na kung ganyang nawawala ka. At hindi niya palalampasin ang pagkakataon na makausap ka.” “K-kumusta na siya?” Lumambot ang tinig niya. mas nangibabaw ang pag-aalala niya sa ina. “Nasa bahay. Binabantayan ni Tito Benedict. Huwag kang mag-alala dahil hindi naman grabe ang atake. Naagapan siya ng daddy mo. Mabuti na lamang at napainom siya agad ng kanyang gamot. Still dinala pa rin siya sa ospital para ipa-check up. Needless to say she;s so worried about you.” “Hindi ko alam na mangyayari sa kanya iyon,” aniyang nakaramdam ng guilt. “Dahil ni minsan ay hindi pa sumama ang loob ni Tita Mariel... ngayon na lang na....” Saglit itong tumigil nang makitang tila naiiyak na siya. Huminto siya sa paglalakad at saka pasalampak na naupo sa bangketa. “Alam ko ang nararamdaman mo,” sabi nito na tumabi na rin ng upo sa kanya. “Dito muna tayo,” mahinang sabi niya. Dumaan ang katahimikan sa pagitan nila. Mayamaya’y nagsimula siyang humikbi. “H-hindi ko naman talaga gustong gawin ito—ang pasakitan sila. Kasi, napilitan lang ako dahil ayaw naman akong pakinggan ni Mommy. Gusto niyang sundin ko siya... pero paano naman ako?” “Saan ka galing? Bakit buong araw kang nawala?” “Sa Pangasinan,” amin niya. “Pangasinan,” anitong bahagyang umalsa ang boses. “Ni hindi ka nagpaalam sa inyo. Tinawagan ka namin sa opisina ninyo, maging ang mga officemates mo ay isa-isa naming kinontak pero walang nakapagsabi kung nasaan ka. Sino`ng kasama mo?” “K-kasama ko si Glenn.” Napalunok siya. “Sinadya kong hindi magpaalam dahil tinitikis ko si Mommy. Pero hindi ko gustong may mangyari sa kanya.” “But sad to say, it happened.” “Paano mo nalamang nandito ako?” nagtatakang tanong niya sa binata. “Umaga pa lang ay nasa inyo na ako. Sabado kanina, remember? At kung hindi pa nga ako dumating ay hindi malalaman ng mga parents mong nawawala ka. Ang akala nila ay tinanghali ka lang nang gising. “Ang ibig kong sabihin, paano mo ako nasundan ngayong gabi?” “Dahil ako ang nagprisinta sa daddy mo na maghihintay sa iyo. Nag-alala pa rin ang mommy mo kahit na tumawag ka na kanina. At siyempre, laging nasa tabi niya si Tito Benedict.” Napabuntong-hininga ang dalaga. “Nakita kitang bumaba ng kotse. Hinintay kitang pumasok pero sa halip ay tumalikod ka. Nahulaan ko na ang gagawin mo, Princess.” “Ang balak ko lang naman ay huwag munang umuwi. Pero I’ll keep in touch pa rin dahil ayaw ko naman silang mag-alala sa akin.” “Care to tell me why?” Umusog ito upang lalo silang magkalapit. Pinahid niya ang naglandas na luha sa kanyang pisngi. “Ang alam ko’y hindi ka suwail na anak. Bakit nagkaroon kayo ng gap ng mommy mo?” “Of course, you know the reason why,” mapakla niyang sagot. “At ikaw, huwag mong sabihin sa akin na hindi ka nagbago ng pakikitungo sa Mama Roselle mo dahil hindi ako naniniwala.” “Princess, kung nagtampo ka sa `yong ina, ganoon din ako. All the while ay hinayaan ako ni Mama na maging independent. Hindi ko alam na darating sa puntong didiktahan niya ako.” “Mahirap, hindi ba?” Kahit paano ay natutuwa siya dahil pareho naman pala sila ng nararamdaman ng binata. “Kung napansin mo, hindi ako nagpakita sa `yo nang ilang araw. Ni hindi kita tinawagan sa telepono. Kasi gusto kong pag-isipan ang gusto nilang mangyari.” “Ano`ng plano mo?” “May naisip na akong solusyon sa problema natin,” nakangiting sabi nito. Bumadha ang interes sa mga mata ni Bernadette. “Ang ibig mong sabihin...” Napangiti ang binata. “Kung anuman `yon, I’m willing to cooperate.” “Well, that’s good!” “Let’s go, Princess. Mauubos tayo ng lamok dito,” reklamo nito. Kahit paano ay magaan na ang kalooban ng dalaga nang sumama rito pabalik sa pinanggalingan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD