TBD 1 - Birthday Surprise

2019 Words
• PAULINE POV • Mahigit isang buwan mula ng huli kong makita ang asawa ko. Naghired pa ako ng mga tao para lang mahanap ito pero walang bakas kung nasaan siya. Wala akong pakialam kung saan lupalop siya nagtatago ang mahalaga masagot ang katanungan ko para makatulog ako nang maayos o kaya makahanap ng paraan para makapag file ng divorce ng walang kahit sinong hahandlang mula sa pamilya namin. Nandito ako ngayon sa club, nagyaya kasi ako sa mga kaibigan ko dahil buryo na ako sa bahay at gusto ko din mag labas ng sama ng loob, hays! Aidan! Puro sakit sa ulo ang binibigay mo sa’kin. "Hey, how are you?" bati sa akin nila Arissa at Talia, sabay beso namin sa isa't-isa. "Buti naman dumating na itong dalawang to," sabi ko sa isip ko "Not ok! At the same time good." Sagot ko sa kanila. Umupo sila sa tabi ko at nag order ng drinks nila. Aba alak na alak ah. "Bakit? hindi mo parin ba nakita ang asawa mo?" Tanong ni Arissa. "Paano magpapakita eh napakagaling magtago." Singit naman ni Talia. "Tama!"Pag sang-ayon ko sa kanya. • 3rd PERSON POV • Habang nag-uusap ang dalawa, hindi maiwasan maalala ni Pauline ang ginawa niya sa driver niya kahapon. Binigyan niya kasi ito ng pampatulog na inumin para magawa niya ang nais na balak dito para lang ipadala bilang regalo sa kanyang asawa dahil birthday nito. Ngunit kahit ganoon pa man ay hindi naman siya natulog kasama ang kaibigan s***h driver niya na si Kurt. Hindi alam ng pamilya niya kung bakit ito pa ang naging kaibigan niya, isang hamak na driver lamang, tulad ng sabi ng kanya Lolo dito noon. – Flashback – "Kurt!" sigaw ko dito sabay pasok sa kwarto niya. Nasa isang hotel kami dahil may kailangan akong imeet na client. "Kurtson!" Tawag ko ulit sa kanya nang walang respond akong narinig, may hawak akong isang basong wine, hinalo ko ito gamit ang pag-ikot ko sa baso at umupo sa isang upuan na katapat ay isang malaking bintana. Naka-open yung kwarto niya kaya pumasok na ako at hindi na ko kumatok. "Bakit na naman ba?!" biglang sabi nito pagkalabas sa CR, naliligo pala kaya hindi sumasagot. "Ahh—" Napalunok ako ng laway ng makita ko na nakatapis lang ito ng tuwalya sa pambaba niya. Tinignan ko ang lalaking nasa harapan ko mula ulo hanggang paa, hindi ko maiwasan na mamangha sa kanyang katawan na itinatago. Pinagmasdan ko lang ito na tumulo ang mga tubig mula sa katawan niya galing sa buhok niya na pinupunasan niya ng maliit na tuwalya. "Ano ang ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Tanga! Pauline! anong tanong iyan? malamang kwarto niya to. Tinignan niya ako na nagtataka. "Saan po ba tayo pupunta ngayon ma'am?" Tanong nito sa’kin at naglakad palapit sa kinaroroonan ko nang nakangisi. "Mag damit ka nga muna Kurt!" Sabay tingin ko sa ibang lugar. "Wag mong sabihin na-aattract ka dito?" May pang-aasar na sabi nito, at pinaharap pa talaga ako at tinuro yung 6 pack abs niya. Hays! naku ka Pauline! Napansin niya siguro na ilang ako kaya pinagtitripan na naman niya ko. "Asa ka!" sabi ko dito at tsaka tumayo at ibinigay ang hawak kong wine. "Oh!" "Wow! Ang sweet naman ng kaibigan ko, akala ko sayo 'yan, pero bakit parang kinabahan ako bigla," sabi nito habang kinuha ang binigay kong baso. Kalma lang Pauline, kalma para di ka mahalata. Sa tagal na kasi naming magkaibigan nito at lagi pa kaming magkasama, alam na alam at kabisado na niya ang ugali ko. "Kung ano-ano iniisip mo!" sabi ko na lang, walang ano man ay ininom din niya ito. "Alam ko naman na hindi mo ko papatayin eh! Ako lang kaya ang nag-isa mong kaibigan na lalaki s***h driver," nakangising sabi nito. "Oh! Oo na," sabi ko na lang dito. Pero nagsasaya ang diwa ko. Kinuha ko na ang baso na hawak niya, akala niya siguro ihahampas ko ito sa kanya ka tulad ng lagi kong ginagawa kapag naiinis ako pero nginitian ko lang siya nang pagka-tamis-tamis. "Ito na ba ang ka huli-hulihang ipapainom mo sa akin bago mo ako tanggalin?" nakangisi pa rin niyang sabi pero alam ko naman takot siyang matanggal. "Hahahaha Hahaha." an evil laugh. Pero huminto din ako dahil sa itsura niya. "So! Mahal mo pala ang trabaho mo at hahayaan mo ang isang Pauline Sullivan ang magbalik nitong baso na hawak ko para sa’yo?" Tinarayan ko siya nang pagka-taas-taas at nagcross-arm pa sa dibdib. "Pauline!" tawag nito sa akin pero pinutol ko agad iyon. "Pag-usapan na lang natin ang pagtanggal ko sayo mamaya, pero ngayon, mag-enjoy ka muna at matulog ng mahimbing," nakangiting sabi ko dito. Naglakad ako papunta sa pinto at ni lock ito. "Matulog? Ano na naman ginawa mo ngayon, Pauline?" sabi nito habang unti-unting pumipikit ang mga mata niya. Buti na lang malapit lang ang kama kaya agad ko siyang na upo dito habang unti-unting natutumba kaya madali akong lumapit sa kanya at sinalo siya, inayos ko ang pagkakahiga niya, bago ko umpisahan ang plano ko. Sabi ng tinderang binilihan ko ng gamot na pampatulog mga 10 mins daw bago tatalab ito kaya bago ako pumasok sa kwarto niya ay inilagay ko na agad ito sa inumin niya at hinintay ang 15 mins, 15 mins para epektive ito. Nilabas ko ang camera na tinatago ko, mini cam, inayos ko ito at inilagay sa gild ng kama kung saan sapat na para makita ang kabuoan ng kama, hindi pa ako satisfied kaya pati 'yung phone ko ay inilagay ko din sa kabilang side ng kama. Naawa ako bigla sa kaibigan ko kasi knowing na si Aidan Claxton at ang galit niyang mga mata kapag nalaman niya ito. Kapag may lumapit nga lang sa akin na ibang lalaki grabe na ang galit no'n! Naalala ko pa yung ginawa ko sa isang lalaki sa bar, alam kong nakasunod siya sa akin kaya nakaisip ako ng bagay para pagselosin siya. Kunyari lang naman na may binubulong ako dito pero ang labas kasi sa kanya ay nakikipag halikan daw ako, mas lumevel up yung plano ko noon kasi ganon yung pagkakita niya sa ginagawa namin. Sa sobrang galit ni Aidan sinugod niya yung lalaki at kinaladkad palabas tsaka pinag susuntok, 'di pa siya nakuntento ay pinabugbog niya sa mga bodyguard niya. Bigla tuloy ako na guilty sa ginagawa ko kay Kurt. Alam kong pagtapos ng gagawin ko sa kanya ay mapapatawad pa din ako ni Kurt. Ganyan siya kabait sa akin bilang kaibigan niya. Nang masigurado ko na mahimbing na itong natutulog ay tsaka ko na inumpisahan ang plano ko, nagpunta ako sa harap niya at hinubad ko ang damit ko at kinuha ang night gown sa bag ko, i have tube inside para safe. Maingat akong umakyat sa kama tsaka tumabi sa kanya at tinanggal ko muna ang comforter. Hinubad ko ang shirt niya, nakita ko ang mini pitsel sa gilid ng coffee table, kinuha ko iyon at nag lagay ng kaunting tubig sa kamay ko at pinisikan ang mukha at katawan ko para kunyari katatapos lang nang make love namin. Tinanggal ko na ang night gown ko at natira ang tube na suot ko. Inayos ko na ang sarili ko at nahiga sa tabi niya, ikinumot ko na sa amin ang comporter, inayos ko ang kamay ni Kurt at ginawang unan tsaka yumakap sa kanya, kinuha ko yung isa niyang kamay at iniyakap ko ito sa sarili kong katawan tsaka pumikit na din na kunyari ay tulog kami at napagod dahil sa nangyari samin. Nang feeling ko ay ok na yung nakuhaan ko ay agad na akong tumayo at dahan-dahan nagbihis, iniligpit ko ang mga naging kalat ko. Kinuha ko na ang mga camera at pinanood ito, nag-screenshoot lang ako ng dalawa. "Happy Birthday." Sabay send ko sa kanya, naghintay pa ako ng ilang sandali para sa reply niya. "Thank you my dear, sana nag-enjoy ka din katulad ng pag-eenjoy ko ngayon." Ayan ang laman ng reply niya sa akin. "What! Are you cheating on me?" inis na sabi ko. Bakit ngayon mo lang sasabihin sa akin! Ayoko mag-isip ng kung ano-ano baka gumaganti lang si Aidan! "Oo tama! Aaaahhhh!" inis na bulyaw ko. Buti nandito na ko sa room ko, ibinato ko ang phone ko sa sobrang inis ko, ayon basag! Anyway, i can buy new one later. "Humanda ka sa akin pag-uwi mo Aidan! Don't you dare try messing with me!" – End of Flashback – "Hey! girl ayos ka lang? kanina ka pa namin tinatawag tulala ka na naman!" baling sa akin ni Arissa. Oo nga pala kasama ko nga pala 'tong mga 'to sa bar. "Iniisip mo na naman yung asawa mo? Hindi pa din ba umuuwi?" Talia said. "Bayaan mo siya! Kung ayaw niya umuwi wala akong paki sa kanya." inis na sabi nito sa mga kaibigan niya. Lagi niya kasing hinihintay ang pag-uwi nito pero ni kahit anino niya wala siyang makita. "Kalimutan mo muna yang asawa mo! Tara mag-enjoy." Sabay nagtayuan ang dalawang kaibigan nito at inaya si Pauline sa dance floor, nakipag sabayan sila sa mga sumasayaw sa gitna ng dance floor na may hawak pang mga drinks, may mga kalalakihan din na nag tungo sa kanila at nakipag sabayan sa pagsasayaw, kahit nahihipuan na si Pauline ng lalaking kasayawan niya, hindi niya ito pinansin dahil nag-eenjoy pa ito sa pagsasayaw. Nang pakiramdam nito na hindi na maganda ang ginagawa ng lalaki sa kanya ay tinulak niya na ito sabay alis niya sa dance floor at bumalik sa table nila para mag lasing. Sa kabilang dako naman ay may biglang humila sa lalaking kasayaw ni Pauline kanina, dinala nila ito sa labas at nagtungo sa parking lot sa may tagong lugar kung saan hindi na abot ng CCTV ang pwesto nila. "Ano ba! Sino ba kayo!" sigaw nito sa dalawang lalaki na kumaladkad sa kanya. "Anong ginawa mo sa asawa ng boss namin?" tanong ng isa sa kanila. "Sino ba? wala akong ginagawa!" sagot agad nito. Nang marealized niya kung sino ang tinutukoy nito ay ngumisi pa ito sa dalawa. "Ayon ba—" 'di pa siya tapos sa sasabihin niya nang bigla siyang sinuntok ng isa sa dalawa. "T*rant*do ka ah!" baling nito sabay suntok din niya sa lalaking sumuntok sa kanya, nakisali na din ang isa pang lalaki para tulungan ang kasama nito. Nagkakagulo na sa lugar nila ngunit walang umaawat dahil walang nagpupunta dito, tinadyakan ng lalaki ang isa sa dalawang nagbabantay kay Pauline hanggang sa pagtulunggan na siya ng mga ito. Hindi na ito lumalaban dahil hindi na ito makatayo at nakahiga na lang ito sa sahig na puno ng dugo ang katawan. "Sa susunod mamili ka ng babastusin mo! Pasalamat ka hindi ang boss namin ang nakakita sayo kundi baka nasa morgue kana ngayon at paglalamayan ka na bukas!" Umalis na ang dalawa at bumalik sa asawa ng kanilang amo, hindi alam ni Pauline na pinabantayan siya ng tauhan ng asawa niya, kahit malayo ito sa kanya at mahigit isang buwan na itong hindi nag papakita ay naghired ito ng tao para subaybayan ang asawa nito. Si Aidan Claxton na ang asawa ni Pauline Sullivan ay isang sikat na business guro. Maraming mga mata ang nakapaligid dito, mga reporter sa business industry ang nag-aabang para mapabagsak ito, nag-umpisa lang kasi sa maliit na kompanya ito ngunit dahil sa katalinuhan niya ay mabilis na lumago at lumaki ang kompanya ng kanilang pamilya na siya na ngayon ang may hawak, doble-doble kasi ang pumapasok na pera sa kanila every month. Kaya maraming kompanya ang gustong malaman kung paano ang ginagawa niya. Kilalang-kilala ito nang mga mayayaman at malalaking kompanya dahil sa pagiging genius nito pag dating sa negosyo. Maraming business man, at business woman, o kaya malalaking kompanya ang nais makatrabaho ito. Mas lalong naging sikat at lalong naging makapangyarihan ito nang ikinasal pa siya kay Pauline Sullivan. Ang nag-iisang anak at paboritong apo ng pinakamayaman na tao sa buong bansa, at top 5 naman sa buong asia. Many people called, Pauline. The Billionaire's Daughter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD