Conservation Area Sina Laiceia at Kenneth nalang ang nagpapaingay sa aming pananghalian. Wala din naman akong maisabat sa kanilang pinag-uusapan kaya nanatili lamang akong nanahimik. Ewan ko ba kay David kung pati rin siya ay napipi at nakatuon lamang ang atensyon niya sa kanyang kinakain. Hindi ko man sabihin ngunit alam kong ako na naman ang rason kung bakit wala siyang gana na kumain ng pananghalian. "Panensya na," panghihingi ko ng paumanhin nung nasiko ko ang kanyang braso. As usaul, hindi na naman ito umiimik. Deadma lang ito pati nga sina Laiceia ay napapagawi na ang tingin sa amin. Gusto ko mang kausapin ito ngunit maduduwag ako maunang tawagin ang pansin nito. Baka kasi mas lalo lang siyang magalit sa akin. Napatikhim naman si Laiceia na siyang ikinatingin ko sa kanya. Napakun

