Past Time "May sayaw din kayo sa P.E?" Tanong nito sa akin habang pababa na kami ng hagdanan. Papunta kami ng karenderya para kumain ng hapunan. Tinanguan ko ito bilang pagsagot. "Waltz ang sa amin. Sa inyu ba?" Tanong ko dito habang namimili ng pagkain. Pagkatingin ko sa cashier ay hindi si Tiya ang nagbabantay dito. Hinanap ko naman siya pero hindi ko ito nakita. Day off niya ba ngayon kaya wala siya dito? "Nasaan po si Tiya?" Tanong ko sa kasamahang babae. "Ay! Iyong Tiyahin mo? Lumiban muna hindi raw maganda ang pakiramdam. Umulan kasi ngayong umaga, wala pa siyang dalang payong kaya basa siyang umuwi dito habang bitbit ang mga pinamili," ani naman nitong ikinatango ko. "Ganoon po ba? Marami pong salamat," ani ko. "Anong nangyari kay Tita?" Sabat naman ni David. "Hindi daw mag

