Intentions Palabas na ako sa restaurant na pinagtatrabahoan ko ng natigil ako sa paglalakad. Naglalakad na patungo sa akin si David na ikinakunot ng aking noo. He's wearing black, oversized mickey mouse black t-shirt, taslan short, and crocs slippers. Nang-aasar itong nakangiti sa akin habang tinitigan ang aking reaksyon. Nagtext kasi siya sa akin na makikipagkita ito at gusto mamasyal. Kesyo daw bored siya at walang magawa sa boarding house kaya nagyaya na mamasyal muna kami bago ako umuwi. Sinalubong ko ito. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. "Kasi hindi ka nagreply sa text ko," ani nito Hanggang ngayon ay hindi parin ako nasasanay sa katangkaran niya. Nakatingala parin akong nakatingin sa kanya kapag nag-uusap kami. Sa suot nitong maitim na sumbrero at itim na damit ay pinapati

