She is lying when she said na hindi niya kilala at naalala si Drake. Ang totoo naalala niya ito. Naalala niya ang Drake na laging laman ng mga tabloid, ang Drake na pinagpapantasyahan ng mga kababaihan, ang Drake na walang pakialam sa, Don. Ang Drake na minsan niyang kinamumuhian at higit sa lahat ang Drake na minahal at kinababaliwan ng musmos niyang puso, ang Drake na minahal niya na kahit sa larawan niya lang ito nakikita. Naalala niya ang poot niya dito sa mga panahon na hindi nito magawang bisitahin ang Don, sa mga panahon na nagkasakit na ito at nakaratay sa higaan. Mga panahon na minsan niyang dinalaw sa Manila at mula sa malayo niya lang ito tinatanaw. Ngunit sa kabila ng mga hindi magandang katangian nito ay hindi pa rin iyon naging hadlang o makakabawas man lang sa pagmamaha

