Napabuntong hininga siya. "Babe!" napalingon siya sa bandang pintuan ng sasakyan, naka bukas na iyon at nakalahad na ang palad ni Drake. She swallowed and took a deep breath before she accepted Drake's hand. "Relax!" He said. Inalalayan siya nito sa pagbaba ng sasakyan, ng tuluyan siyang makababa ay agad nitong pinulupot ang braso sa kanyang baywang. "Just relaxed babe," ani ulit nito. Masyado ba siyang obvious? O baka naman naririnig nito ang malakas na t***k ng puso niya, dahil sa tensyon na nararamdaman niya. Malaki ang bahay nina Bryan, katulad ng bahay ng mga magulang ni Drake na tinitirhan nila ngayon. Malawak din ang hardin nitong bahay, malawak ang magkabilaang hardin. Idinaos ang kasiyahan sa likod bahay, mula sa kanilang kinaroroonan ay naririnig niya ang malamyos na musi

