PAGKATAPOS niyang kausapin ang asawa sa telepono para pauwiin ay pumunta siya sa winery room. She took a whisky jack and daniel at nagsalin sa shot glass. She needs courage para harapin ang asawa, kailangan niyang sabihin dito lahat ng sama ng loob niya, lahat ng hinaing niya, dahil pakiramdam niya ay sasabog siya. Nag aagaw na ang dilim at liwanag sa labas, Gaya ng nararamdaman niya na tila nag aagaw na maghari ang puot at pagmamahal sa dibdib niya para sa asawa and it scares her. Ayaw niyang magtanim ng galit. Ayaw niyang kapuotan ang asawa, kailangan niyang maliwanagan bago ulit dumating ang takip silim. Ayaw niyang matulog ng may puot sa dibdib. Ang isang shot ay muling nadagdagan ng magkasunod na shots. She is now light-headed tila gumaan ang katawan niya ngunit hindi nakisama ang

