Pinatakan niya ng mumunting halik ang noo ng asawa niya, pisngi, ilong at maging ang mata. "Still tired?" Umiling lang ito. Tinulak ng dalawang palad nito ang kanyang dibdib pahiga. "I told you, hindi ako pagod! I love what I'm doing Drake," Marahas siyang napa buntong hininga. "I already told Katrina to hire a Gardener," aniya. Umayos siya ng higa. Umunan ang asawa niya sa kanyang braso habang nakayakap naman ang isang braso sa kanyang baywang. "Drake, gusto ko ang ginagawa ko, isa pa wala naman akong ginagawa dito sa bahay nakakapagod kaya ang walang ginagawa." Humarap siya sa asawa at hinapit ang balingkinitang katawan nito papalapit sa kanya. "Hindi ka talaga papatalo ano?" Binaon ng asawa niya ang mukha sa kanyang dibdib at yumakap ng mahigpit. "Drake?" "Hmm?" "Malapit na

