Napabangon siya sa higaan at mabilis na tinungo ang banyo. Tila hinuhukay ang kanyang sikmura. Agad niyang binuksan ang toilet bowl at sumuka. "Babe!" Nararamdaman niya ang mga yabag ng asawa niyang papalapit sa kinaroroonan niya, marahil ay nagising ito dahil sa pag balikwas niya ng bangon. She felt Drake's hand slowly caressing her back. "Babe, should we go for a check-up?" Nag aalala na tanong nito sa kanya. Bahagya siyang natawa. Kakatapos lang ng prenatal check-up niya kahapon pero ito na naman ang asawa niya balak siya ulit e pa-check-up. Huminga siya ng malalim at inabot ng kanang kamay niya ang roll tissue saka pinunasan ang bibig. Humarap siya sa asawa niya at ngumiti. "I'm okay, this is normal Draco," kita niya ang matinding pag-aalala sa mukha ng asawa niya. Marahan siyang

