CHAPTER 7.

1499 Words
NAGISING siya kinaumagahan na mabigat at masakit ang ulo, sapo-sapo niya ang ulo ng akma siyang bumangon at parang bumaliktad ang kanyang sikmura at lumilibot ang kanyang paningin. So this is what they called hangover! Ito yung totoong aftermath na epekto ng subrang pag-inom. Sige umulit kapa, magpaka lasing kapa! Tae-na mas masahol pa pala sa may trangkaso, sabayan pa ng pakiramdam na uhaw na uhaw ka. Komento niya sa sarili, habang napapahilot sa kanyang sentido. 'Damn It.' Napabalikwas siya ng bangon at tumakbo papunta ng banyo. Sumuka siya ng puro tubig. 'Kasalanan mo ito Drake. Kung hindi mo ako pinainum hindi ako magkaka ganito. Hoy! Althea ikaw itong hingi ng hingi ng inumin, ikaw ang lagok ng lagok ng beer tapos ibang tao sinisisi mo.' Pagtatalo ng mga munting tinig sa utak niya. Dahil sa subrang init ng pakiramdam maaga siyang naligo at binabad ang sarili sa rumaragasang tubig mula sa shower. Hanggang sa pumasok sa isip niya kung paano siya nakapasok sa kanyang silid at paano siya nakapag bihis. Mula sa huling naisip ay bigla ang bundol ng matinding kaba sa kanyang dibdib, mabilis niyang tinapos ang kanyang paliligo at nag bihis. Isang blue faded jeans at white off-shoulder ang napiling niyang isuot , saka niya tinali ang ilang hibla ng alon-alon niyang buhok at hinayaan lang iyon nakalugay sa kanyang likuran habang hinayaan na makatakas ang ilang hibla sa kanyang mukha, naglagay ng pulbo sa mukha at nag e-spray ng pabango saka bumababa. Pagbaba niya galing sa kanyang silid ay ang tahimik na kapaligiran ng mansion ang sumalubong sa kanya. Bahagya siyang nagpa linga-linga ngunit wala ang mga katulong kahit na si manang Alice. Nasaan kaya ang mga tao dito sa bahay? Tanong niya sa sarili. Hanggang sa naabutan niya sa hardin si mang Caloy ang hardinero ng mansion, nagdidilig ito ng mga halaman at nagpuputol ng mga tuyong dahon ng bulaklak. Kinuha niya ang kanyang airpod at nilagay i'yon sa kanyang tenga sabay kuha ng kanyang cellphone at pumili ng magandang musika at pinatugtog. "Manong Caloy" Tawag niya sa pansin ng hardenero habang nagsusuot ng rubber boots. "Ako na po, ang magdidilig ng halaman at magputol nalang kayo ng mga tuyo na dahon" Aniya,saka lumapit kay mang Kaloy at kinuha ang hose at nagsimulang mag dilig ng halaman. " Salamat Ma'am Althea" ani mang Caloy. "Sige po." Sabay ngiti kay mang Caloy. MAAGANG nagising si Drake ngunit nanatili pa rin siyang nakahiga sa kanyang kama habang titig ng titig sa kisame. He wonders kung bakit ito nagawa ng kanyang yumaong Lolo. Kung bakit kailangan nito panghimasukan ang kanyang personal na buhay. At bakit sa dinadami ng pwedeng ipagawa nito sa kanya bakit ang pagpapakasal pa kay Althea ang isa sa gusto nitong gawin niya. Ano ang meron sa babaeng yun? Tanong niya sa isip. He lives and studies in the states for 15 years after his parents passed away. Ayaw niyang tumira sa hacienda dahil dito sa lugar na ito nawala ang kanyang mga magulang. But he won't have any choice now. Dahil kay Althea kailangan niyang tumira dito sa hasyenda kahit na labag sa kalooban niya! Ni hindi siya makatulog ng maayos dahil parang palagi niyang naririnig ang halakhak ng mga magulang sa silid na 'yon, kasabay ng pagbalik ng alalaang pagligo ng mga magulang sa sariling dugo at pag-handusay sa gilid ng daan dahil sa aksidente. It's been twenty years ngunit ang lahat ay parang kahapon lang. After fifteen years bumalik siya ng Pilipinas at nagsimulang mama-hala sa kompanya, at masasabi n'yang naging matagumpay i'yon sa ilalim ng pamamahala niya. Kaya di niya maintindihan ang kanyang Lolo bakit nito kailangan ipakasal pa siya kay Althea. Hindi pa ba sapat ang ang pag-unlad ng kompanya sa ilalim ng pamamahala niya? Bakit hindi nalang nito ipa ubaya sakanya ng walang kasalan na mangyayari? Marahan s'yang bumangon at pumunta ng banyo para maligo. Habang nasa ilalim ng malamig na shower biglang parang isang eksena sa pelikula ang pagbalik ng alaala ng nangyari sa kanila ni Althea, ang ginawa nitong paghalik sakanya. Bayaran muko Drake. You kish me widz out permission andz now-is payback time. Marahan siyang napailing at natawa sa sarili. Bigla siyang natigil sa pag sabon sa katawan ng maalala muli ang mga labi ni Althea na lumapat sa kanyang labi, at ang mapusok na pagtugon niya sa halik nito. Kahit na malamig ang tubig na nag mumula sa shower ay ramdam ni Drake ang biglang pagbalot ng kakaibang init sa kanyang katawan sa ala-alang i'yon. Wala pang babae ang nakagawa ng ganitong pakiramdam kay Drake not even Andrea his girlfriend, kahit ang simpleng pag daiti ng balat ni Althea sa kanyang balat ay agad na lumulukob ang kakaibang init sa kanyang sistema, kagaya nalang nga'yon he felt his manhood, harden again sa pag alala palang ng nangyari sa nagdaang gabi. Lust. He felt lust toward Althea. Wearing black jersey shorts at sleeveless ay binuksan niya ang sliding glass door na nama-magitan sa kanyang silid at balcony. Pumunta si Drake sa balcony at bahgyang dumukwang sa labas bahagya siyang yumukod at pinatong ang siko sa railings habang nakatanaw sa hardin. There she is. Sigaw ng isip niya. Althea is swaying her hips, sabay taas ng kanyang isang kamay sa ere. Habang tinatangay ng hangin ang maalon alon niyang buhok. Wala itong pakialam sa paligid. She watered the plants while dancing, patuloy lang ito sa pag giling habang kumu-kumpas sa ere ang mga daliri. Nahigit niya ang hininga sa nakikitang eksena. She is incredibly beautiful. And his heart skip a beat. Malapad ang ngiti sa kanyang labi habang walang tigil ang malakas na pagtibok ng kanyang puso. This woman will be his wife. Will be Mrs De Luna. Should he consider himself lucky? Should he thank his grandfather for choosing this woman?. Hey Drake you have Andrea, at sinabi mo pa kay Althea that you have a girlfriend at ang malala sinabi mo pang mahal mo. So stop daydreaming. Tukso ng isang bahagi ng utak niya. Habang nakataas ang mga kamay ni Althea sa ere at gumigiling ay napatingala ito sabay ng pagmulat ng mata. He bit his Lower lip and grinned as their eyes met. Napakurap-kurap itong nakatitig sa kanya. Mas lalong lumapad ang ngiti sa labi ni Drake ng makita n'ya ang reaction ni Althea, halata sa mukha ang pagkapahiya. Pinanlakihan s'ya nito ng mata. "Althea?" NGUNIT hindi ito narinig ni Althea dahil napangko ang kanyang titig kay drake kasabay ng pagbago ng tugtog ng musika sa kanyang pandinig. What is this I'm feelin' I just can't explain When you're near, I'm not the same. I'm tryin' to hide it, Try not to show it. It's crazy how could it be? Yes, it's crazy, how can she fall in love with this man the first time she laid her eyes on him. It was fifteen years ago, ng ipakita sa kanya ni Don Alfredo ang litrato nito na kuha sa isang exclusive school sa states. From that day she already feels something for Drake. And from that day she already dreamed of this moment, to see him and be with him. Kasabay ng pagkawala ng musika sa kanyang pandinig at ng pakiramdam na parang may humahablot ng airpod sa kanyang tainga ay ang matinis na sigaw ni Maya sa kanyang tenga. "Althea?" Malakas na sigaw ni Maya na malapit sa kanyang tenga. Napapitlag siya sabay harap kay Maya at naka tutok dito ang hose na may bumu-bulwak na tubig. Dinig na dinig niya ang malakas at malutong na tawa ni Drake habang nakatitig sa kanila ni Maya. "Ay! Ano ba yan Althea" Reklamo nito "Basang basa ako." "Pasensya kana." Sabay lapag ng hose at pinatay ang gripo kung saan ito naka konekta. "Ikaw kasi bat ka nanggugulat." " At ako pa ang sinisisi. 'Eh, ikaw tong halos na estatwa ng nakatitig kay senorito Drake." komento ni Maya. "Mag agahan na daw sabi ni manang." padabog pa itong tumalikod sabay hilamos ng mukha. Lumingon siya sa balcony kung nasaan si Drake panay pa rin ang ngiti nito sa kanya, at lihim siyang napalunok sa kakaibang titig nito, para pang lumundag ang kanyang puso ng bigla siya nitong kindatan. Mabilis siyang umiwas ng tingin at sumunod kay Maya papasok ng mansion. Naabutan niya si manang Alice na naghahanda ng pagkain sa mesa. "Oh, kamusta pakiramdam mo" Bungad na tanong sa kanya ni Manang Alice. "Ok, lang naman po Manang." Matiim siyang tinitigan ni Manang na kinabigla niya! "Wala ka bang naalala kagabi Althea" kunot noo na tanong ni Manang Alice. Sunod sunod na paglunok ang ginawa ni Althea kasabay ng pagbundol ng malakas na kaba sa kanyang dibdib! "Bakit po Manang?" Kinakabahan tanong niya. "Wala! Umupo kana at mag agahan, higopin mo na rin yang sabaw habang mainit pa." "Salamat Manang!" Sabay yakap kay manang Alice at pugpog ng halik dito. "Althea! Pakiusap simula nga'yon wagka ng uminom." Lalong lumakas ang hinala ni Althea na may nangyari talaga kagabi, dahil sa mga sinabi ni Manang Alice.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD