Dahil sa pagdating ni Bryan at Manang Anna ang binabalak na muling pag-idlip ay hindi niya magawa. Bumangon siya at nag ayos ng sarili at bumaba. Lahat ng dating katiwala nila sa bahay ay muli niyang pinabalik, mula kay Manang Anna, ang dating hardinero na si Mang Martin at ang dating personal driver ng asawa niya na si Robert. Si Patricia naman na pinaaral ng asawa niya ay isa ng ganap na guro at kasalukuyan na itong nagtuturo sa isang pampublikong paaralan, hindi niya na ito pinakiusapan na bumalik, ngunit tinawagan niya ito kahapon at sinabihan na dalawin pa minsan ang ate nito. He was hoping na sa pamamagitan ng mga taong ito ay mapapadali ang recovery ng ilang bahagi ng alaala ni Althea na nawala. Agad tumayo mula sa pag-upo sa sofa si Mannang Anna pagkakita sa kanya. "Sir Drak

