WALANG siyang nagawa kundi sundin ang gusto ni Drake, at gaya ng sinabi nito sumabay nalang siya sa agos. Wala na din silang magagawa pareho, kailangan nila e-sakripisyo ang sarili alang alang sa mga taong umaasa sa kanila at sa habilin ng yumaong Don. Mahal niya si Drake. May ibang mahal din si, Drake! Ganon paman ay kailangan niyang tanggapin, kapalit naman non ay ang kasiyahan at kinabukasan ng mga trabahador ng hasyenda. Sapat na dahilan na iyon para pasiglahin ni Althea ang sarili. Isang itim na SUV ang pumarada sa labas ng mansyon, nakita niya mula sa hardin ang pagbukas ni Maya ng gate at pumasok ang SUV sa loob ng mansion. Isang babae ang lumabas mula sa sasakyan,hindi ito katandaan at halata sa soot nito at galaw na galing ito sa alta sosyedad. "Ma!" Ani Drake mula sa loob ng

