"Babe, please halika na!" Aniya sa asawa. Ngunit sa halip na sundin siya ng asawa ay muli itong lumusob sa tubig, muling lumangoy papunta sa dulo ng pool at pagdating sa dulo ay muling lumangoy pabalik at tumigil sa harap niya. Napahilamos siya sa mukha, gusto niya ng buhatin ito mula sa pool at 'e akyat sa silid nito. Napatingin ito sa kanya habang kunot ang noo, tila ito isang batang nagmamaktol. "Bakit mo ba ako pinapaahon?" Ani ng asawa habang napapahilamos ito sa mukha. "Hayaan mo muna ako," "Althea, please maraming oras para mag swimming, sa ngayon umahon ka muna," muling pakiusap niya. Umahon sa tubig ang asawa niya at humawak ito sa drails ng hagdan ng pool at unti unting inihakbang ang paa paakyat. As her wife stood in front of him ay tila siya pinako sa kanyang kinatatayua

