4. Someone from the Past

1352 Words
GUSTO man niyang makita si Lance, hindi niya gustong tanungin lang siya nito tungkol sa matalik niyang kaibigang si Angela. Noong high school pa kasi sila ay in love na in love ang binata sa kaibigan niya. It was chaotic and a headache for her. Palagi nalang siyang tinatanong ni Lance kung nasaan si Angela kapag hindi nito nakikitang magkasama sila. Hindi rin siya tinitigilan nito hanggang sa hindi siya napapaamin kung nasaan ba talaga ang “crush” nito. It was a fun memory though. Kung iyon pa ein ang nararamdaman ni Lance hanggang ngayon, hindi alam ni Suzie ang mararamdaman. Hmm…siguro pagkaawa? Dahil sa ngayon ay naka-focus lang si Angela sa mga goals nito sa buhay. Pero maraming taon na rin naman ang dumaan kaya siguro ay nakapag-move on na rin si Lance. Nagulat si Suzie nang ipaghila siya ng upuan ni Keith. Pero hindi siya nagsalita tungkol doon. Knowing Keith, he’d probably pinch both her cheeks until she’d beg him to let her go. It happened once before, since then, she’d been careful not to cross his limits. Though she still finds herself unable to resist the temptation of teasing him from time to time. Hindi niya namalayang mahina na pala siyang tumatawa hanggang sa tanungin na nga siya ng binata. “What’s funny?” “Nothing,” nangingiting sabi niya. “Just remembering old memories.” Mas malapit siya kay Keith kaysa sa iba, kung “close” nga bang matatawag ang pangungulit nila sa isa’t-isa at paglalaro ng mga pranks. Hindi sila masyadong nag-usap habang kumakain ng tanghalian, pero nararamdaman niya ang companionship kay Keith. Naiintindihan din niya na hindi talaga pala-salita ang isang ito. Hindi nga iyon nagbago kahit ilang taon pa ang lumipas. But she felt a little comfort knowing that what happened between her and her ex didn’t affect her friendship with Keith. After their lunch, she bid goodbye to him and he just nodded. Just like that, they parted ways. * * * * * PAPUNTA si Luis sa Anfred Restaurant para makipagkita kay Cassy. Late na siya dahil nakalimutan niya na magkikita nga pala sila ngayon dahil sa dami ng trabaho. Gusto sana niyang ikansela nalang pero nagi-guilty siya. Palagi nalang kasi siyang nagka-cancel ng date nila. At kailangan din niya ang trabaho bilang fiance ni Cassy. Yes, he treats it as a job. Ang ama lang naman niya ang pasimuno na ma-engage silang dalawa ni Cassy para sa negosyo. Alam na niya noong bata pa lang siya na darating at darating ang araw na ipagkakasundo siya ng magulang sa ibang mayamang pamilya. He was prepared for it, he accepted it. Hanggang sa natuto siyang magmahal ng totoo, naghangad na pakakasalan ang babaeng mahal. Umiling siya. Hindi siya dapat nag-iisip ng mga bagay-bagay tungkol sa nakaraan. Matagal ng tapos ang kabanatang iyon. Hindi na niya iyon maibabalik pa. Kahit na purong negosyo lang ang set-up nila ni Cassy, hindi niya gustong saktan ang babae. Sinusunod lang nito ang gustong mangyari ng mga magulang nito katulad ng isang ulirang anak. Bumuntong-hininga siya. His thoughts are getting darker these past few days. She was a victim of this engagement too. He couldn’t do anything except be a good husband, in this case, a good fiance. Natigilan siya saglit nang makita ang kaibigan niyang si Keith na palabas ng restaurant kasama ang isang babae. Napataas ang isang kilay niya dahil doon. Hindi niya nakita ang mukha ng babae at hindi rin pamilyar sa kanya ang tindig nito kaya mas lalo siyang nagtaka. Nag-usap pa ang dalawa sa labas mismo ng restaurant bago kumaway ang babae bilang paalam. Mas lalo siyang naintriga nang sa halip ay umalis na, sinundan pa ng tingin ni Keith ang dalaga hanggang sa mawala ito sa paningin ng kaibigan niya. Saka lang tumalikod si Keith at muntik na silang magbanggaan na dalawa. Hindi niya namalayang dahan-dahan pala siyang naglalakad papunta sa direksyon nito. Pareho silang napaatras. Napasimangot si Keith nang makita siya nito kaya ginantihan din niya ito ng pagsimangot. “Who was that?” tanong niya rito habang nakataas ang isang kilay. “Hindi mo ba nakita ang mukha niya?” ganting tanong nito. “No. And I don’t believe she’s your girlfriend.” Simula noong magkakilala sila ni Keith ay “allergic” na ito sa mga babae. Kaya nakakapanibagong makita ito kasama ang isang babae. May ilang babae namang nakakalapit dito pero mabibilang lang talaga sa daliri. He could still remember the time when Keith was close with his girl that it made him jealous. Umiling si Luis, hindi dapat niya iniisip ang nakaraan. “Someone from the past.” Nakasimangot na sagot ni Keith, well, palagi naman talaga itong nakasimangot. “I don’t know if it’s good that she’s back or not.” His curiosity went top notch. Someone from the past? Hindi naman nagkaroon ng nobya si Keith noon…except that one girl from their first year high school. Hindi nagtapos ng maganda ang relasyong iyon ni Keith kaya imposibleng ang tinutukoy nito ay ang dati nitong karelasyon. Maliban sa babaeng iyon ay wala na siyang ibang maisip. “Keith glared at him. “I can see the gears turning in your head Luis. Mind your own business.” He touched his chin. “I can’t help it. It’s… very rare to see you being all friendly with a woman. At inihinatid mo pa talaga siya ng tingin. You know, pwede mo naman siyang diretsang tanungin kung gusto ba niyang makipag-date sa iyo.” Kung nakakamatay lang ang tingin baka bumulagta na si Luis sa kinatatayuan niya. Pero imbes na ma-offend ay mas lalo lang niyang gusto itong biruin. “Or have your charms expired already?” nakangising tanong niya rito. “f**k off.” Keith stormed off. Luis was left in wonder. Isang babae na kayang apektuhan ang mood ni Keith? Well, that’s news. Hindi na siya makapaghintay na i-tsismis iyon sa barkada. He usually doesn’t mind people’s business. But they’d been friends since he could remember. Iyon lang din talaga ang pagkakataong makapag-relax siya at magbiro kapag kasama ang mga kaibigan niya. He walked inside the restaurant owned by his other friend and sat down across Cassy. Binigyan niya ng ngiting paumanhin si Cassy. “Sorry for being late.” Nginitian siya ni Cassy na siyang nagpa-guilty lang lalo sa kanya. “It’s okay. Alam ko naman na abala ka sa dami ng negosyo mo. Kararating ko lang din naman.” He called out the waiter, both of them ordered and had a little chit chat. Although Luis only listened half-heartedly. “Oo nga pala, nakita ko si Keith kanina. Babatiin ko sana siya kaso may kausap siyang babae kaya hindi ko nalang sila inisturbo.” His ears perked. “Oh?” “Yeah. And you said Keith never dated?” Cassy made a face at him. “They didn’t talk much, but I think Keith was…happy.” “Paano mo nasabi ‘yan?” kuryusong tanong niya. “Hindi naman nagbabago ang facial expression n’on.” Tumawa si Cassy. “Hindi ko alam. Just a feeling perhaps? Well, but that woman really looks familiar.” “Kilala mo?” Sandaling nag-isip si Cassy. “I think I saw her somewhere before. Hindi lang ako sigurado kung saan. Pero kung magkaroon ako ng pagkakataong makita siya ng malinaw baka maalala ko.” Their lunch was cut short because his secretary called for an “urgent” meeting from his father. Hindi siya puwedeng humindi roon. Gigisahin siya ng buhay ng ama niya kapag hindi siya nagpakita rito lalo na’t ipinatawag talaga siya nito. He excused himself and promised Cassy to take her out sometime. When he walked away, he didn’t see the face Cassy made as she stared at his back. He called up someone from the office to issue orders. Tumigil siya sa paglalakad nang makarating siya sa parking lot dahil may nahagip ang kanyang mga mata. Sinundan niya ng tingin ang isang babaeng lumiko sa gilid at pumasok sa isang kulay silver na sasakyan. Pakiramdam ni Luis ay huminto sa pag-ikot ang mundo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD