LIHIM lang na inobserbahan ni Keith si Dave. May kakaiba kasi rito. Alam niyang palaging handa si Dave pero nakapagtatakang handa ito sa mangyayari ngayong gabi.
Dave’s hand cupped his face while the other was typing on the keyboard of his laptop and his legs were crossed. Though focused on what he is doing, Keith sensed that something is bothering his friend’s minds.
“Dave, why aren’t you answering your phone?” tanong niya.
“I had a meeting with the board of directors,” sagot nito na nakatuon pa rin ang mga mata sa laptop computer nito.
“I see.”
*****
“KUNG ganoon, paano mo nalaman na magkikita-kita tayo ngayon?” tanong ni Lance.
Muntik ng mahampas ni Luis si Lance. Bakit ba kailangan pang itanong ang obvious? Hindi niya alam kung bobo o ano lang talaga ang isang ito. Pero palagi naman naho-honor ang isang iyan. Sa lahat ng mga naging kaibigan niya, si Lance lang ang dis-orient ang utak.
“Tumawag ako sa bahay nila,” kapagkuwan ay sagot ni Keith.
“Ikaw ba tinatanong ko?” taray ni Lance. “Papansin ka talaga. `Tsaka wala akong maalalang tumawag ka sa bahay nila.”
“Bingi ka lang.”
Nagsimula na namang magsagutan ang dalawa. Sarap iuntog ng mga ito.
Inobserbahan niya si Dave at Keith. Kakaiba kasi ang palitan ng tingin ng dalawa. He put his hand on his hips and the other raked his hair.
“Ano’ng nangyayari dito?”
Napatingin siya sa pinto ng apartment niya at nakita roon ang kakambal niya na magulo ang buhok at mukhang na-harass. Sinalubong nito ang mga mata niya.
Bumuntong-hininga siya. “Suzie’s kidnapped.”
“Si Cinderella?”
Sinimangutan niya ito.
Hindi man lang ito natakot sa kanya. Bagkus ay pumasok pa ito kahit hindi naman niya iniimbitahang pumasok.
“Dave, na-track mo na?” tanong nito kay Dave.
Tumango naman si Dave na ikinagaan ng pakiramdam niya. That made him smile. The expert, never look down Dave in this field.
“They’re still moving. According to the road they’re currently taking, they’re going to Cagayan.” Dave tilted his head. “Still tracking.”
Agad na tumayo si Lance sa pagkakaupo sa carpeted floor. Ganoon din si Dave na nakaupo sa sofa. Umayos naman ng tayo si Keith na nakahilig sa isang haligi. Si Vergel naman ay namulsa. Siya ang huling tumayo.
His friends stood there in silence waiting for him to give his order. He is thankful to have such friends. They never question his decision.
“Lance, bring Gelo and a doctor to Agate Lakefront. Dave, call the police and inform them about what happened. Vergel and Keith, you’ll go with me.” Tinignan niya sa mata ang dalawa. “We’ll have a little hunting to do.”
Keith just lifted up the side of his mouth.
He knelt in front of Gelo. “I promise to bring your sister back. For now, sumama ka muna kay Kuya Lance. Delikado kung babalik ka sa bahay ninyo.”
Marahang tumango si Gelo bago siya niyakap ng mahigpit.
“Mag-iingat po ikaw.”
*****
SUZIE slowly opened her eyes. She’s cold and has a hard time breathing. She looked around her surroundings. Napalunok siya. She’s inside a big freezer! There are big blocks of ice inside and she’s in the middle. The ice is creating cold smoke that hits her and makes her shiver.
Pinigil niya ang sarili na maiyak nang maalala niya ang nangyari sa kanya. Sana ligtas si Gelo at hindi na nadamay pa ang kapatid niya. Silang dalawa na lang ang natitirang magkamag-anak kaya hindi niya makakaya kapag nawala ito sa kanya.
“Tulong!” paos na sigaw niya.
Hindi siya makagalaw dahil nakatali siya sa upuan. Natuyo na rin ang lalamunan niya. Sunud-sunod na ang panginginig niya.
Footsteps are on her way. When she raised her head, she saw her kidnapper.
“Hello, b***h!” walang kangiti-ngiting bati nito.
“T-Tulungan mo ako, please.” mahina niyang sabi.
Unti-unti ng bumibigat ang talukap ng mga mata niya. Hindi siya puwedeng matulog. Kailangan niyang makalabas sa lugar na iyon. Kailangan pa siya ng kapatid niya.
You should die.” sabi nito at malakas na sinampal siya.
Her surroundings began to blur and before darkness ate her, she saw her kidnapper walk away from her.
*****
NASA madilim na bahagi na sina Luis ng daan at natukoy na rin nila ang kinaroroonan ni Suzie nang biglang may mga kotseng nagsisulputan at pinaputukan sila.
“s**t!”
Keith and Vergel backed him up and made way for him. It was an easy task for his friend and twin because they’re both car racers and their cars are bulletproof.
“Mauna ka na,” sabi ni Keith sa earphone na nakakabit sa tainga niya. Konektado iyon sa lahat ng mga kaibigan niya para sa mabilisang update.
“Paano kayo?”
“Kami ba ang tinatanong mo n’yan?” sagot ni Vergel.
Kahit hindi niya nakikita ang dalawa, alam niyang nakangisi ang mga ito. If Dave is an expert in devices, the two are expert in car fighting. Mahilig sa gulo ang dalawa habang nakasakay sa mga kotse nito kaya hindi na siya masyadong nag-alala pa para sa mga ito.
“Yeah, right.”
Nauna na nga siya dahil sa perpektong daan na nagawa ng mga ito. Nang sulyapan niya sa rear view mirror ang mga kasama, nakita niyang nakikipagpalitan na rin ito ng putukan sa kalaban nila.
Narating na rin sa wakas ni Luis ang sinasabi ni Dave na ice plant. Nang bumaba siya sa sasakyan ay saka naman nagsilabasan ang mga bantay doon.
His mind is focused on Suzie. Wala siyang pakialam sa mga nadadaanan niyang sagabal. Pinagsusuntok lang niya ang mga ito. Nasa loob ng ice plant si Suzie kung tama ang kalkulasyon ni Dave at isang oras na itong naroon. Kailangan na nitong makalabas at baka kung ano pa ang mangyari rito.
Hindi niya nakita ang paparating na suntok na iyon na tumama sa panga niya na ikinasanhi ng pagbagsak niya. Malalakas din ang mga ito, mga propesyonal. Masasabi niya iyon sa klase ng galaw ng mga ito. Halatang nakapag-aral ng martial arts. Pero hindi siya papatalo, tumayo siya at sinugod ang mga ito. Isa-isa niya itong pinatumba.
Hinihingal na siya nang pumasok sa ice plant. May mga bugbug na rin siya. Nakita niya si Suzie sa gitna. Nakatali ito sa silya a walang malay.
“Suzie!” sigaw niya.
Agad siyang tumakbo para saklolohan ito. Pinakawalan niya ito. Naaawa siya rito dahil putlang-putla na ito, malamig at nanginginig. Kinarga niya ito palabas ng ice plant.
Nakita niya si Keith sa labas na nakahilig sa kotse nito habang hinihintay siya habang si Vergel naman ay nakaupo sa hood ng kotse nito.
“Mukhang wala ng dugo si Cinderella,” sabi ni Keith.
Tinignan niya si Suzie. Namumutla pa rin ang dalaga at walang malay. “Ang lamig niya.”
Humikab si Keith. “You need to get her warm then.”
Before he could answer, Keith already slid inside his car.
Ipinasok niya sa back seat si Suzie. Tumabi siya rito at nang maayos na siya sa pagkakaupo ay hinila niya sa gitna ng hita niya si Suzie para doon paupuin. Hinubad niya ang jacket at ipinasuot dito. Niyakap niya ito while rocking her back and forth.
Sumakay naman si Vergel sa driver’s seat at pinatay ang aircon. Minaniobra na rin nito ang kotse para makaalis na sila sa lugar na iyon.
“Dave, pagdating ng mga pulis, pakisabi na iuwi rin `yong kotse ko,” sabi ni Vergel sa earphone nito. “Ako ang nagmamaneho ngayon sa kotse ni Luis. Suzie needs to heat up and she’s unconscious.”
“I’ll see to it,” narinig niyang sagot ni Dave sa earphone niya.
Hinaplos niya ang buhok ng dalaga. Matindi pa rin ang panginginig ng katawan nito. Mas lalo pa niya itong hinapit sa katawan niya para mainitan ito kahit papaano.
Humanda sa kanya ang pasimuno ng pangingidnap na ito. Hindi siya matatahimik hanggat hindi niya naipapakulong ang mga hayup na taong iyon.
“Si Keith na muna ang maiiwan sa ice plant para hintayin ang mga pulis at para mabantayan din ang mga nahuli naming mga dumukot kay Suzie.” Imporma ni Vergel sa kanya.
Tumango lang siya. Hindi niya magawang magsalita dahil nananakit ang lalamunan niya. Natatakot siyang mawala sa kanya si Suzie.
“Hey, cheer up man.” Narinig niyang sabi ni Vergel sa masiglang boses. “Malakas ang Cinderella mo. She can make it.”