CHAPTER 1 - GIRL MEETS BOY

1594 Words
Good morning, love! Good morning, love! Good morning,love! Nakangiting idinilat ko ang aking mga mata. Sino ba ang hindi mapapangiti kung ang gigising sa iyo sa umaga ay ang pagbati sa iyo sa umaga ng ultimate crush mo? Nakangiti pa rin na pinatay ko ang alarm ng cellphone ko, na walang iba kung hindi ang boses ng ultimate crush ko. Tunay na nakakaganda ng gising sa umaga kapag boses niya ang una kong naririnig. Nagiging kumpleto ang araw ko! Bumangon ako at saka naupo sa kama. Nakangiti pa rin na nag-inat ako nang todo. Iyong inat na inat. Kasi naman… today is a very important day in my life. Gusto ko pa sanang marinig ang recorded na boses ng ultimate crush ko. Pero kapag hindi ko kasi pinatay agad ang alarm, paniguradong nakasugod na agad si Tatay dito sa kuwarto ko. Hindi pa rin naaalis ang mga ngiti sa labi ko nang damputin ko ang telepono ko sa ilalim ng unan ko, at saka ko pinatay ang alarm ko. Dahil dun, lumitaw ang isang imahe sa screen ng telepono ko. Malagkit na nakatitig siya sa akin at may pilyong ngiti sa kanyang mga labi. "Good morning din, love!" masayang pagkausap ko sa kanya, "excited na akong makita ka mamaya. See you later!" Dinampian ko pa ng halik ang screen ng telepono ko. "Huy!" "Ay, baklang baboy!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa pagkagulat, sabay tingin ko sa direksiyon ng pintuan ng kuwarto ko. Nakita kong nakatayo doon si Tatay, habang nakalagay sa magkabilang bewang ang mga kamay niya at matiim na nakatingin sa akin. "Good morning, 'Tay!" malapad ang ngiti na pagbati ko sa kanya. "Mukha ngang good ang morning mo. Kanina ka pa parang baliw diyan, eh. May pahalik-halik ka pa diyan sa telepono mo," may halong paninita sa akin ni Tatay. Napakamot ako ng ulo ko. "Eh,'Tay… kailangan pa bang i-memorize 'yun? Alam na this!". "Alam na this ka diyan… mag-toothbrush ka kaya muna bago ka makipag-kissing scene diyan sa crush mo?" "'Tay naman, eh…" pinahaba ko ang nguso ko bilang pagprotesta sa sinabi ni Tatay. "Kung sasabay ka sa delivery, tumayo ka na riyan at ayokong tanghaliin sa daan." Iyon lang at umalis na si Tatay. Muli kong binalingan ang telepono ko. "Pasensiya na love, ha? Kailangan ko nang maligo," pagkausap ko sa picture na nasa screen ko, "ayoko rin namang ma-late sa unang araw ng pagkikita natin. Bye! See you!" KUMPLETO na ang pamilya ko sa mesa nang dumulog ako sa mesa para mag-almusal. "Oh! Ang bango, ah! Sino 'yun?" Alam ko namang alam ni Tatay na ako iyon, dahil ako lang naman ang bagong dumating. Si Tatay ay isang vegetable dealer. Nagsu-supply siya ng mga gulay sa isang malaking bagsakan ng mga gulay. Kunwari ay wala akong narinig. Naupo na ako at nagsimula nang kumain. "Siyempre naman, 'Tay! Kailangan niyang ma-impress ang ultimate crush niya. Di ba nga, first impressions last?" sabat naman ni Nikko, ang kapatid kong sumunod sa akin. Nasa ikatlong taon na si Nikko sa kolehiyo, at Marine Engineering ang kurso niya. Pinandilatan ko siya ng mga mata. "Gumagatong ka pa, eh…" sita ko sa kanya, na tinawanan lang niya. "Akala mo naman si Kuya walang crush. Ang tagal-tagal mo na kayang crush si Ate Aireen. Elementary pa lang kayo, crush na crush mo na siya, eh!" singit naman ni Aira, ang bunso sa aming tatlo. Graduating na sa Senior High si Aira. "Tama na 'yan. Kumain na nang kumain. Lalo ka na, Stella. Bilisan mo na diyan. Mamaya niyan, kayo naman ng Tatay mo ang nag-aaway," sita naman sa amin ni Nanay. Katuwang ni Tatay si Nanay sa kabuhayan namin. Pero mas pinamamahalaan ni Nanay ang finances nito. Kapag ganitong nagsalita na si Nanay, tiklop na kaming lahat. HABANG nasa biyahe, at sakay ng mini truck ni Tatay na may kargang mga gulay, hindi ko maalis na kabahan. Iniisip ko kung makikita ko ba sa unang araw ko ang CEO ng Verizon Communications. Kung oo, paano ko siya pakikiharapan? Sa tingin mo, Stella makakaharap mo siya. OJT ka lang, hindi regular na empleyado. "Oy, Stella. Umayos ka diyan sa trabaho mo, ha. Huwag kang gagawa nang hindi maganda." Naputol ang mga iniisip ko nang masalita si Tatay. "Grabe naman si Tatay sa akin sa gagawa nang hindi maganda…" "Ang inaalala ko kasi… baka kapag nakaharap mo na 'yung CEO diyan sa papasukan mo, mawala ka sa sarili mo." Nakasimangot na nilingon ko si Tatay, "Grabe siya sa akin, oh…" "Aba, kitang-kita ko kaninang umaga iyong mga kabaliwan mo, eh!" "Masaya lang ako, 'Tay…" "Masaya…" "Opo, 'Tay. Biro mo, nagawa kong makapasok sa isa sa mga top companies sa buong bansa? Dapat, proud ka sa 'kin, 'Tay! Tapos malay mo, magustuhan nila ako, I mean, ang trabaho ko pala, tapos kunin na nila ako nang tuluyan! O, di ba, 'Tay…" "Unang araw mo pa lang ngayon, Stella… ang layo na agad ng narating mo?" "Ay, sorry naman, "Tay!" natatawang sagot ko. "Ay, 'Tay! Diyan na lang po ako sa tabi. Diyan na lang." "Ha? Nandoon pa sa kabila iyong building ng Verizon, ah?" "Okay na ko dito, Tatay. Promise." "O, sige. Sandali lang. Itatabi ko." Nang maitabi na ni Tatay ang trak niya, mabilis na akong nagpaalam sa kanya. "Bye, 'Tay! Ingat sa pagmamaneho!" Hinalikan ko sa pisngi si Tatay at bumaba na. Nang medyo malayo na ang trak ni Tatay, dinukot ko ang pabangong dala ko sa loob ng bag ko, at saka nag-spray sa ilang parte ng katawan ko. Baka mamaya, makatabi ko ang CEO ng Verizon Communications, eh amoy gulay ako. Pagkatapos ay nilakad ko na ang papunta sa building ng Verizon. "Good morning, Mam… saan po kayo? " tanong sa akin ng guwardiya sa maliit na gate, sabay tingin sa harap ng suot ko. Hinahanap niya siguro ang company I.D. ko. "Ay, Kuya… OJT po ako. Ngayong,araw pa lang po ako mag-uumpisa." "Ganun ba? Pahingi na lang ako ng ID mo." Dinukot ko ang school ID ko sa bag at saka ko inabot sa guwardiya. Binuksan niya ang log book sa harapan at saka isinulat doon ang ilang detalye ko base sa nakalagay sa ibinigay kong ID sa kanya. Habang ginagawa niya iyon, inilibot ko ng tanaw ang paligid. Bakasakaling matiyempuhan ko ang CEO nitong Verizon Communications na naglalakad sa paligid o parating pa lang. Pero puro ordinaryong empleyado lang ang nakikita ko. "Miss, ID mo." Muli kong nilingon ang guwardiya, at saka kinuha ang ID kong inaabot niya. "Isuot mo muna 'yang ID mo habang wala pang binibigay na ID sa iyo. Derecho ka muna sa HR. Sakay ka ng elevator. Tapos, fifth floor. Hanapin mo si Ms. Joyce." "Thank you, Kuya!" Naglakad na ako at humalo sa mga empleyadong naglalakad din papunta sa kani-kaniyang destinasyon. Hindi ko na inabutan ang papasarang elevator, kaya nagpasya akong hintayin na lang ang kasunod. Mag-isa na lang akong naghihintay dito para sa susunod na elevator. Ibig sabihin ay mag-isa lang akong sasakay sa darating. Medyo kinabahan ako, lalo na at di naman ako pamilyar sa lugar na 'to. Saglit lang at nagbukas na ang elevator. Muli akong lumingon sa likuran ko, pero ako lang talaga ang naririto. Humakbang na ako papasok sa loob. Pinindot ko ang number five sa gilid nitong elevator. Habang ginagawa ko iyon, may biglang pumasok at nagsalita. "Sixth floor, please." Bahagyang tumaas ang kilay ko. Oo nga at OJT lang ako dito, pero pati pa naman ang pagpindot sa buton ng elevator iuutos pa sa akin? Sumara na ang pintuan ng elevator. Nilingon ko ang lalaking pumasok para sana tarayan siya, pero nalaglag ang panga ko nang makita ko kung sino 'yun. Si Brandon Hizon, ang CEO nitong Verizon Communications! Ang ultimate crush ko! Si love ko! Bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko akalain na unang araw pa lang ay makikita ko na siya sa personal at ganito kalapit. Sus mio! Kung guwapo siya sa mga picture niya sa internet at sa mga magazine, mas super duper guwapo siya sa personal. To the highest level! Napansin siguro ni Brandon na nakatingin ako sa kanya kaya tumingin siya sa akin. Pagkatapos ay sinulyapan niya ang board ng mga numero. Napansin niya sigurong hindi pa napipindot ang number six, kaya iritadong tiningnan niya uli ako. "Ay! Yes Sir! Number six. I mean, sixth floor," natatarantang sabi ko, tapos ay nagmamadali ko nang pinindot ang number six sa board sa tabi ko. Hindi na ako muling lumingon kay Brandon. Gustong-gusto ko sana, pero naunahan ako ng hiya. Pakiramdam ko ay nanigas na ako dito sa kinatatayuan ko. Nahihiya ako. What a first encounter with my ultimate crush! Bakit naman po ganito, Papa God? Wala man lang iyong sinasabi nilang 'magic in the air' na feeling. Sa halip, Pero okay na rin. Imagine, dalawa lang kami dito sa elevator? Solong-solo ko siya! Magpakilala kaya ako? Tanungin ko kaya kung pwedeng makipag-selfie sa kanya? Ding! Nasa fifth floor na pala. Pasimple kong nilingon si Brandon. Huling sulyap sa ultimate crush ko bago ako lumabas ng elevator. Nakayuko ito dahil busy siya sa telepono niya. Pero bigla itong nag-angat ng tingin, kaya dali-dali na akong nagbaling ng tingin sa harap. Sakto namang bumukas na ang elevator, kaya agad akong humakbang palabas nun. Bago magsara ang pintuan ng elevator, muli akong lumingon sa loob para masilayan ko uli ang ultimate crush ko. Derecho lang ang tingin ni Brandon dito sa labas ng elevator, pero sa huling mga sandali na konting-konti na lang ang awang ng papasarang elevator, nagtama ang mga tingin namin. Ayieeeeee! ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD