Chapter 11 "Uy, salamat ha? Dahil sa'yo hindi kami nasigawan ni boss." sabi sakin nung isang empleyado nung palabas na kami ng opisina ni boss. Hindi niya kasi agad ako pinalabas habang binabasa niya ang sales report kaya ilang minuto akong nakatayo sa gilid niya. "Ha? Ano namang kinalaman ko dun?" kunot noong tanong ko. Para naman kasing may ginawa ako e nakatayo lang naman ako. "Alam naman natin na dahil sayo kaya hindi kami nagawang sigawan ni sir e. Ikaw lang pala ang makakapag paamo sa kaniya, sana noon ka pa nag apply dito." "Hala siya, wala naman akong ginawa." "Meron 'te. Feeling ko nga may gusto sayo si sir e." "Grabe naman kayo, nabigyan niyo agad ng ibang meaning. Hays sige na balik na tayo sa mga trabaho natin at baka mamaya sigawan na lang tayo bigla dito." "Sus, ikaw s

