Chapter 23 Naka park na ang kotse ni boss sa harap ng isang malaking mansyon. Hindi pa lang kami bumababa dahil nahihiya pa ako. Siyempre, mga kakilala nila ang nasa loob tapos biglang merong outsider? Kaya itong boss ko ay hindi pa din makapasok, hindi daw siya papasok hanggat hindi rin ako pumapasok. Lakas din talaga ng tama e. "Ano na? Hindi pa ba kayo bababa diyan?" siguro ay nainip na si Justine sa paghihintay kung kelan kami bababa kaya kinatok niya na ang bintana ng kotse. "Hindi ka ba makapag hintay? Mauna ka na kung gusto mo." iritang sagot ni boss nang hindi ito binabalingan ng tingin. "Tch, bahala na nga kayo diyan. Mauuna na akong pumasok sa loob." naglakad na ito papasok sa mansyon kaya naiwan na lang kaming dalawa. "Are you ready?" "Yes, Cameron. Tara na, nakakahiya da

