Nalaglag ang panga ni Allison sa narinig. "Come again, Mr. Davis?" aniya at baka nagkakamali lang siya ng dinig. "Paint me naked," mabilis na tugon ni Carter. Napalunok si Allison. "Ipipinta kita," she paused for a second, "nang nakahubad?" muling paghingi niya ng paglilinaw. "Exactly!" tumatangong tugon ng binata. "Matagal ko ng gusto ang magkaroon ng nude portrait pero wala akong mahanap na magaling na artist. Looks like nahanap ko siya sa iyo." "Salamat! Flattered ako, pero, pwedeng ibang paraan na lang?" Naroroon ang pagmamakaawa sa mga mata ng dalaga. "Ayaw mo?" Nagsalubong ang mga kilay ng binata kasabay ng pagkunot ng noo nito. "Are you saying that you'd rather be behind bars than paint me?" Umiling si Allison. "Oo, gumagawa ako ng nude portraits pero puro babae lang. Isa p

