Mahigit dalawang taon na naman ang lumipas. Naikasal na si Abbey at Kevin. Kaagad nabiyayaan ang mga ito ng sanggol na lalaki na pinangalanan nilang Kerby. Syempre ay ninang at ninong sina Allison at Carter. Everything seems to be fleeting fastly around Allison. Naging tagamasid siya ng masasayang pangyayari buhay ng mga taong mahalaga sa kanya. At ngayon ay panahon naman niya. "Congratulations, Allison!" masayang bati sa kanya ng mga kaklase at kakilala sa kolehiyo. Sa wakas, pagkatapos ng ilang taon ay graduate na siya sa kursong fine arts. Nagsimula na ngang matupad ang kanyang pangarap. "Congratulations, babe!" bati ng kanyang nobyong si Carter. He never left her in her entire journey. "Dahil sa iyo at para sa iyo ito," nangingilid ang luhang wika ni Allison. "Salamat sa paniniwala

