Just Another Woman Chapter 11 "Veronica, handa ka na ba para mamayang gabi?" seryosong tanong ni Rayfield, sa kanyang magandang secretary niya na nakatayo sa harap niya. "Opo Sir Rayfield, nasabihan ko na rin po ang dalawa ko pong kapatid, pati na rin ang asawa ng ate ko po." ngiting sabi ni Veronica. Ang tinutukoy ng kanyang guwapong boss ay ang birthday party ng anak nila Mr. Albie Lopez at Jordan Duque Lopez. Mamaya na ito gaganapin sa Makati Shangri-La. Nakabili na rin siya ng isang simpleng white dress. 'Di na siya bumili ng sapatos dahil may high heels naman siya. Naibalik na rin niya ang personal credit card ni Rayfield, noong isang araw. Nahihiya nga siya dahil nakalimutan niyang isauli ang credit card ng guwapong boss. Buti na lang 'di ito nagalit. "Susunduin ko na kayo sa b

