Just Another Woman Chapter 20 Iniisip ni Rayfield, kung sino ang nagpadala ng mga rosas sa kanyang magandang secretary. Lalo lang umiinit ang ulo niya. Ilang araw na siyang mainit ang ulo. Dahil nakita niya sa social media ang mga litrato ni Veronica, kasama ang anak ni Mathias Gue, na si Matteo Gue. 'Di niya alam sa kanyang sarili kung bakit nagagalit siya sa kanyang nakitang mga litrato Bihira lang siyang gumamit ng socila media accounts niya. Minsan nga lang siyang gumamit 'yun agad ang nakita niya. 'Di niya alam kung galit o selos ba ang nararamdaman niya? Napapatanong na lang siya sa kanyang sarili kung bakit siya nagagalit sa kanyang nakitang mga litrato? At bakit siya nagseselos na may kasamang ibang lalaki si Veronica, noong birthday party ni Alonzo Lopez? Ngayon naman ay naiini

