Just Another Woman Chapter 13 "Hmm… S-salamat sa pagsama mo sa akin kanina sa red carpet." 'di alam ni Veronica, kung bakit nahihiya siya sa kasama niyang makisig na binata ngayon. Medyo naiilang lang siya. Dahil siguro sa nangyari. "Walang anuman. Napakaganda mo ngayong gabi Veronica." 'di maalis-alis ni Matteo, ang kanyang mga mata sa magandang binibining kasama niya ngayon. Alam niyang pupunta ngayong gabi si Veronica, sa birthday party ni Alonzo Lopez. Nalaman niya ito dahil kay Vincent, bigla siyang nakatanggap ng text mula dito noong isang araw. Nagtatanong ito kung may black o white suit siya. Meron siyang mga black suit na nakatago sa cabinet niya. Bihira lang naman niya ito ginagamit. Kapag may mga importanteng okasyon lang niya ito sinusuot. Lagi kasi siyang binibilhan ng kan

