The Powerful Princess Chapter 39: Awarding... Preparing... __________________________________ Anica POV Katatapos lang namin magbihis at masasabi kong handa na kami. Nakasuot na kami ng aming uniform na katulad ng kulay ng aming mahika. We're not a nerd anymore. "Ready?" tanong ko sa kanila na tanging tango lang ang ibinigay. Lumabas na kami sa aming dorm at nagsimulang maglakad. Paniguradong hindi kami makikila ng mga estudyante dito dahil sa aming ayos. Sina Cassandra at Jessica ay hindi naman talaga kilala dito pero dahil dati silang nerdy, nag-ibang looks din sila. Wala na kaming mga suot na eyeglasses gaya ng napag-usapan namin. Si Cassandra at Jessica ay parehas na nakalugay ang buhok nila pero may tirintas sa magkabilang banda ng buhok ang kay Cassandra habang may suot na

