The Powerful Princess Chapter 06 : First Mission ___________________________________ Anica POV Isang napakagandang lugar na parang ika'y nasa paraiso. Nandito ako ngayon sa isang sekretong lugar na tanging makikita lamang saaking kwarto, ang Fairies Garden. Isang itong garden na kung saan matatagpuan mo ang iba't ibang uri ng mga fairies. Napakaganda nilang pagmasdan. Nakakalungkot lang dahil ito ay nakatago dahil ayaw nilang mapahamak. Isa sa mga fairies si Juliana, ang reyna ng mga fairies. Siya ang kauna-unahang fairies na nakilala ko at nakausap kaya walang duda na kami ay close sa isa't isa. Gaya ng sabi ko, lihim ang garden na ito at tanging ako pa lamang ang nakakatuklas nito. Hindi o ayaw nila ito ipaalam sa ibang mga magicians ang tungkol dito dahil may posibilidad na sila

