The Powerful Princess Chapter 21 : I'm Back __________________________________ Anica POV Isang taon na ang nakakalipas at isang taon na rin ako dito sa Mortal World. Ngayong araw ang napag-isipan kong bumalik na sa Magical World kaya naghahanda na kami ni Ella saaming pag-alis. Natapos na kami sa aming pag-iimpake at tanging mga shoulder bag lang namin ang aming dadalhin. Binigyan ko ng bagong bag si Ella dahil walang enerhiya ang dati niyang bag. Matapos namin maghanda, isinuot ko ang aking kulay lila na salamin, ganun din ang kulang pink na salamin ni Ella. Tulad kanina, binigyan ko rin siya ng bagong salamin dahil hindi M-GLASSES at E-GLASSES ang kanyang salamin. Ngayon ay suot na namin ang aming M-GLASSES dahil tulad ko, may kulay din ang buhok at mata niya at ito ay kulay pink

