The Powerful Princess Chapter 11 : Cassiopeia Land...The Prophecy... __________________________________ Anica POV At last, narating na rin namin. Nandito kami ngayon sa harapan ng Cassiopeia Land. "Sa wakas! nandito na tayo sa Cassiopeia land!" sabay na sabi nina Arron, Lyra, Stevan, Maxenne at Christian. Natawa nalang si Sabelle sa inasta ng lima. "Let's go, madali lang natin mahahanap ang bahay ni Cassiopeia" sabi ni Delixean. Umayos na ang lima at nagsimula na kaming maglakad. Sa bawat bahay na madadaanan namin, pinagtitinginan kami ng mga tao dito. Sa pagkakaalam ko, tinawag itong Cassiopeia land dahil si Cassiopeia ang namumuno sa lugar na ito. Isa kasi siyang diwata na tumutulong sa mga kapwa magicians namin kaya siguro ipinangalan sa kanya ang lugar na ito. Hindi ko maiwas

